2015 MMFF P834M na ang kinita sa 9 na araw

MANILA, Philippines – Sa nakalipas na siyam na araw ay higit P800 milyon ang kinita ng mga pelikula sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sinabi ng MMFF sa kanilang official Facebook page ay nasa P834 milyon na ang ticket sales mula nang magsimula ang taunang film festival nitong Disyembre 25 hanggang Enero 2.

Nasa top 4 pa rin ng may pinakamalaking kinita ang My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion at ?#?WalangForever.

Kabilang din sa film festival ang All You Need is Pag-ibig, Nilalang, Honor Thy Father at Buy Now, Die Later.

Inaasahang lalaki pa ang kita nito hanggang sa matapos ang film fest sa Enero 7, Huwebes.

 

Show comments