Kapalaran ng industriya ng pelikula nakasalalay sa mananalo sa eleksiyon!

MANILA, Philippines – Thank you 2015. Helloh, helloh 2016.

Tiyak na exciting at makulay ang taong ito dahil sa paparating na presidential elections. Ngayon pa lang ay bakbakan na sa patutsadahan na tiyak na mas iinit ngayong bagong taon. Year of the Monkey ang 2016.

Active ang showbiz sa mga pangyayari sa pulitika dahil sa showbiz personalities na kumakandidato sa pangunguna ni Sen. Grace Poe na anak ng orig na hari at reyna ng pelikulang Pinoy, sina FPJ at Susan Roces.

Siyempre marami ring aabangan sa local showbiz. Antayin natin kung ano pang magiging bakbakan ng magkaka-loveteam – James & Nadine, Alden & Maine, Liza & Enrique, Daniel & Kathryn.

Kung anong mangyayari sa career ni Kris Aquino pagkatapos ng term ni Pangulong Noynoy Aquino na magtatapos sa Hun­yo lalo na nga’t semplang ang All You Need is Pag-ibig, ang kanyang MMFF entry.

Ang pagiging Miss Universe ni Pia Wurtzbach na finally ay nakuha rin ng bansa after 42 years. Sisikat kaya siya ng bongga dahil sa kontro­bersiya sa kanyang pagkakapanalo?

Ang kasalang Vic Sotto and Pauleen Luna ngayong Enero. Ano kayang mga magaganap na eksena?

Ano nga kayang mangyayari sa relasyon nina Matteo Gudicelli and Sarah Geronimo na pahulaan kung anong real status.

Ang relasyon ni AiAi delas Alas sa bagets na mabait at walang epal sa katawan. Sa kasalan din kaya ang diretso?

Inaabangan din ang career ni Vice Ganda na nanganib din sa isyu ng kanegahan at siyempre ang hindi kinayang powers ng Eat Bulaga lalo na nang pumasok ang AlDub.

Kung ikakasal na ba si Anne Curtis this year sa boyfriend niyang si Erwann Heussaff. Nauna nang nagpakasal ang kapatid ni Erwann na si Solenn sa Argentina, sa bansa ng kanyang boyfriend na si Nico.

Ang pagsubaybay sa paglaki ng anak ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera na base sa paisa-isa nilang ina-upload na picture ay pagkaganda-gandang bata. Patunay na walang ginalaw kay Marian. Susundan kaya agad ng mag-asawa si Maria Letezia?

Sino kaya ang lilipad na Darna? May trailer na sa mga sinehan pero pahulaan kung sino ‘yun. May nagsasabing ka-boses pa rin ni Angel Locsin pero may dinig namang si Nadine Lustre ang sumigaw ng Darna.

At ang magiging kapalaran nina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada na nasa PNP Custodial Center pa rin dahil sa mga kasong iniimbestigahan pa. Makakalabas na kaya sila this year?

Pero ang siyempre ang pinakaabangan ay kung papalarin ang mga artistang kandidato sa pa­ngunguna nina Sen. Grace at Sen. Chiz Escudero na showbiz na rin dahil sa asawang si Heart Evangelista.

May mga artistang lalaban sa pagka-senador.

Suwertihin lahat kaya sila? Edu Manzano, Isko Moreno, Alma Moreno, Mark Lapid at iba pa?

Tiyak na marami pang magaganap sa showbiz lalo na pagkatapos ng eleksiyon dahil naka-depende ang kapalaran ng industriya ng pelikula sa mga mananalo.

FLG at Alden, na-feature sa librong Beyond All Barriers

Tampok sina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon at Pambansang Bae Alden Richards sa librong Beyond All Barriers: Coincidence or Miracle? V na isinulat nina Flor Gozon-Tarriela at Butch Jimenez. Iba’t ibang faith journeys ang nilalaman ng libro at kabilang dito ang mga nakaka-inspire na kwento nina FLG at Alden. Ilan pang prominenteng personalidad sa libro sina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Philippine Entrepreneur of the Year Nix Nollado.

Show comments