^

PSN Showbiz

Tiyak iba ang interes... Aktor confirmed ang kasarian, hindi kilala si Maria Ozawa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ginawang isyu ang tsikang hindi kilala ng isang not so young actor (NSYA) ang sexy star na si Maria Ozawa. “Sino ‘yun?” daw ang reaction ni NSYA nang tanungin kung kilala niya ang Japanese actress na narito pa yata sa bansa dahil leading lady siya ni Cesar Montano sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Nilalang.

Para sa mga tunay na lalaki, mortal sin sa hanay nila ‘pag hindi mo kilala si Maria at doon daw malalaman ang tunay na kasarian nito.

Kaya isyu talaga sa mga nagtanong kay NSYA ang sagot nito na hindi niya kilala ang Japanese actress na marami ang may crush at nagnanasa. Noon pa natsitsismis ang tunay na gender ni NSYA at dahil hindi nito kilala si Maria, mas lalong lumakas ang tsismis sa gender nito.

Pero baka dahil lang sa kabisihan ng aktor kaya hindi niya knows si Maria? As in, wala siyang time manood ng video, mag-browse sa Internet at magbasa. Hayaan n’yo na at baka iba ang hilig niya.

Boyet pinaghihintay muna ang TV5

Guest lang siguro si Christopher de Leon sa Little Nanay  ng GMA 7, kaya walang dapat ikabahala ang TV5 at Viva Entertainment na una nang nag-announce na kasama ito sa cast ng Panday.

Sa February 2016  pa ang airing ng Panday at sa post ni Gladys Reyes, sa January 2016 ang airing ng episode na kasama si Boyet sa Little Nanay. Gagampanan ni Boyet ang role ni Atty. Castañeda na tutulong sa San Pedro family para ma-annul ang kasal nina Tinay (Kris Bernal) at Archie (Hiro Peralta).

Tuwang-tuwa ang buong cast dahil bukod kina Nora Aunor, Bembol Roco, at Eddie Garcia, may Boyet pa ang teleserye.

Isyu sa MMFF malaki ang tulong sa Honor…

Nakatulong ang nagawang ingay ng Honor Thy Father dahil bukod sa hindi natuloy ang pagpu-pull out ng pelikula, tuloy ang showing nito at nadagdagan pa ng theaters.

Magandang balita na ibinalik sa SM Seaside Cebu at sa Robinsons Cebu ang Honor Thy Father. Ibinalik din ng Newport Cinema ang movie na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at

sa Shang Cineplex ng Shangri-La Mall sa EDSA, inilipat ito sa mas malaking theater.

Masaya ring ibinalita ng mga taga-Reality Entertainment na showing sa full house at sold out screenings ang pelikula.

Carla may paalala sa mga pet lovers ngayong putukan

Napapanahon ang paalala ni Carla Abellana sa mga pet owners kung paano aalagaan ang kanilang mga aso, pusa at iba pang hayop sa pagsalubong ng Bagong Taon. Katakut-takot na putukan ang mangyayari, kaya siguraduhin ang kaligtasan ng mga alaga nating hayop.

“Paalala lang po sa mga may aso’t pusa! Pwede po silang ma-heart attack dahil sa lakas ng mga paputok, at siyempre malason kapag nakain po nila ang mga ito. Sana po itago niyo sila sa loob ng isang kwarto na walang mga bintana. Kung may bintana po ang lahat ng kwarto sa inyong bahay, paki siguro na lang po na sarado ang mga ito. Kung hindi po kayang itago sa loob ng kwarto, kahit sa loob ng bahay na lang po sana. Let’s be responsible and take care of our animals.”

Samantala, kinilig ang fans nina Carla at Tom Rodriguez, sa post ng una sa Instagram (IG) na kahit nasa Okinawa si Tom, pinadalhan siya nito ng picture ng sunflowers na nakita nito sa parking lot. Ang ginawa ni Carla, pinadalhan naman niya ng picture ng Mt. Mayon Volcano si Tom na view niya that time nang matanggap ang picture ng sunflowers.

Nasa Legaspi City that time si Carla para sa Meet & Greet niya for Xcess Salon kung saan siya ang endorser.

 

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BEMBOL ROCO

BOYET

CARLA

CARLA ABELLANA

CESAR MONTANO

HONOR THY FATHER

LITTLE NANAY

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with