AiAi ayaw tantanan ng saya at suwerte
Sa haba ng Christmas holidays at long weekends, karamihan sa kilalang showbiz personalities ay nagbakasyon sa iba’t ibang lugar at ibang bansa.
Pagkatapos lamang ng Parada ng mga Artista last December 23 ay tumulak na papuntang Amerika ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas kasama ang nobyong si Gerald Sibayan at panganay na anak na si Sancho kasama ang GF nito to spend the Christmas holidays with her two other children na sina Nicolo at Sophia na sa Amerika na naka-base.
Nakabili na si AiAi ng bahay sa Amerika kaya buong saya nilang sinalubong ang Pasko at sasalubungin ang Bagong Taon na buo ang kanyang pamilya.
Masayang-masaya rin si AiAi sa kinalabasan ng balik-tambalan nila ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang My Bebe Love (#KiligPaMore) dahil sa pagiging malaking hit ng pelikula. Isa si AiAi sa co-producer ng pelikula under MEDA Productions along with Vic Sotto (M-Zet Productions), OctoArts Films, APT Entertainment, at GMA Films.
Naging challenging man kay AiAi ang taong 2013 and 2014, muli naman siya nakabawi nitong 2015 na inaasahan niyang magpapatuloy ngayong 2016.
Andrea kinakarir ang pulitika
Kung papalarin ang dating Viva Hot Babe-turned actress and entrepreneur na si Andrea del Rosario na manalo sa pagka-vice mayor sa hometown ng kanyang nasirang amang si Agustin del Rosario sa Calatagan, Batangas, gagawin niya ang lahat para maging tourist destination ang nasabing lugar sa tulong din ng kanyang ka-tandem na si Lenny Pantoja (dating vice mayor) na siya namang kandidato sa pagka-mayor ng nasabing lugar.
Sinabi rin ni Andrea na kung sakaling siya’y mahalal bilang vice-mayor ng Calatagan, hindi niya umano tatalikuran ang kanyang pagiging actress.
Andrea is a single mom sa kanyang five-year-old daughter na si Bea na nagsisilbi niyang strength and inspiration.
Pagpatok ng tambalan nina Alden at Maine, isa sa mga hindi inaasahang pangyayari sa 2015
Sa pagtatapos ng taong 2015, we have to admit na naging very challenging ang taon para sa lahat laluna sa mga kinaharap nating kalamidad sa iba’t ibang lugar. Biggest story marahil ang pagbuwis ng buhay ng 44 na magigiting nating mandirigma, ang Mamasapano massacre sa Maguindanao. Pagdating naman sa showbiz, biggest happening ang pagsulpot ng hindi inaasahang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza.
Sa pagtatapos ng taong 2015 at pagpasok ng bagong taon 2016, umaasa ang lahat ng mas maaliwalas at maginhawang taon.
Happy New Year sa inyong lahat!
- Latest