Panggigiyera ni Erik Matti sa mga execom ng MMFF, kinaiimbyernahan na! Paghina sa takilya ng pelikula ni Kris apektado si P-Noy?!

SEEN: Hindi na natutuwa ang mga tao sa pagtataray ng director na si Erik Matti laban sa executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Mabigat ang paratang ni Matti na may corruption sa Metro Manila Film Festival.

SCENE: Ang paghingi ng tulong ni Matti sa mga miyembro ng MMFF Execom na tinatarayan niya: Grace Poe, Mark Meilly, Boots Anson Roa, Toto Villareal, Herbert Bautista of MMFF Execom, “Help. We need to know that you care about what’s right.”

SEEN: Ang Dear Uge ang ipapalit sa game show ni Eugene Domingo. Sa February 14, 2016 ang target airing ng pilot episode ng Dear Uge.

SCENE: Sina Michael V. at Iya Villania ang mga host ng Lip Sync Battle, ang bagong game show ng GMA 7 na magsisimula sa February 27, 2016.

SEEN: Sina Shy Carlos, Mark Neumann, at AJ Muhlach ang mga bida sa television remake ng Tasya Fantasya ng TV5.

SCENE: Bagong Taon, Bagong Saya ang pamagat ng 2016 New Year Countdown ng TV5 na magaganap ngayong gabi sa Quezon City Memorial Circle.

SEEN: Maligaya si Ogie Alcasid dahil kumpleto sila ng kanyang mga anak ngayong Pasko at Bagong Taon. Nagbabakasyon sa Pilipinas sina Leila at Sarah, ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren.

SCENE: Ang report na  block screening ng All You Need Is Pag-Ibig ang lambing ni Kris Aquino sa kanyang mga kaibigan. Ang All You Need Is Pag-Ibig ang pinakamahina sa mga filmfest entry ni Kris buhat nang sumali siya sa Metro Manila Film Festival nang manungkulan bilang pangulo ang kanyang kapatid na si P-Noy.

Show comments