Hindi happy Filipino citizen ‘We deserve a better nation’

Malapit daw talaga sa katotohanan ang istorya ng Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz. Maraming mga kababayan natin ang sumusubok sa mga investment scheme sa pagbabakasakaling yumaman.

Aminado si John Lloyd na hindi siya masaya sa kasalukuyang estado ng Pilipinas. “Hindi kasi nabibigay ang basic services sa mga tao. Kaya mga kapwa Pilipino natin ay kumakapit sa mga scheme para makatawid. Tapos malalaman nilang scam pala ang mga scheme na ganito. Wala na silang magagawa kasi naitakbo na ang kanilang pera,” paliwanag ni John Lloyd.

Para sa aktor ay may ilan talagang mga tao ang mapanglamang sa kapwa. “If you ask me, hindi ako happy Filipino citizen kung ang pag-uusapan ay kung naibibigay ang service na karapat-dapat sa atin. Sa mga hirap na nararanasan ng taong bayan araw-araw, we deserve a better nation. Umabot din ako sa point na parang ‘di na ako umaasa na magkakaroon ng pagbabago,” giit ni John Lloyd.

Malaking tulong daw sa aktor ang isang mabuting kaibigan na kanyang nakausap at nagbigay ng kaliwanagan sa kanyang pag-iisip. “Sabi niya, mahirap naman mawalan ng pag-asa. As long as merong mga taong nakikibaka para umunlad ang bansa. Kung may mga taong hindi nawawalan ng pag-asa, nakakahiya naman kung pati ako susuko,” dagdag ng aktor.

Annabelle nawalan ng pride nang ma-in love

Hindi raw inakala ni Annabelle Rama na matutupad ang kanyang pangarap na maging isang author ng libro. Mabibili na ang ‘Day Hard na isinulat ng dating aktres sa mga bookstore ngayon. “Matagal ko nang pangarap ‘yang magkaroon ng libro. Hindi ko alam kung paano ko gagawin. No’ng in-offer sa akin ng ABS-CBN na si Mr. Ernie Lopez, I was so shocked. Mag-meeting daw kami. Sabi ko, ‘Yes, sure!’ Hindi na ako nagpatagal pa, yes agad ako, kasi matagal ko nang dream magkaroon ng libro eh,” nakangiting kwento ni Annabelle.

Dapat daw mabasa ng mga tao ang nasabing libro dahil bukod sa masaya itong basahin ay kapupulutan din ito ng mga aral sa buhay. “’Yung mga hiwalay sa asawa, ‘yung may problema sa asawa’t boyfriend, hindi alam ang dapat gawin nila, ‘yung mga ganyan eh. Kasi marami diyan ang bobo sa pag-ibig eh,” pahayag ni Annabelle.

“May kaibigan nga ako sabi niya sa akin nahiya raw siyang batiin ang asawa niya. Kasi raw ma-pride raw siya. ‘Yung asawa niya ma-pride rin daw. Kaya tumagal ang paghihiwalay nila, umabot ng mga 10 years. Sabi ko, ‘Day, kung gusto mo pa ang asawa mo, batiin mo na. unahan mo na.’ Kasi ang mga lalaki ma-pride rin ‘yan. Kailangan tayong mga babae, kung mahal mo ang lalaki, kapal ng mukha ang gagawin mo, lakas ng loob,” pagbabahagi pa niya.

Show comments