Supporters ng Nilalang, nakikisakay na rin sa protesta ng Honor…
Ynna Asistio, nanawagan ng donation para sa kamag-anak na namatay at nasunugan sa Amerika; Erik Santos, sexy actor ang drama sa papansin na litrato
SEEN: Sexy but decent ang pictorial ni Jennylyn Mercado para sa December 2015/January 2016 issue ng FHM.
SCENE: Hindi lamang ang supporters ng Honor Thy Father ang sumisigaw na ibalik sa mga sinehan ang pelikula ni John Lloyd Cruz dahil nakisakay na rin ang mga supporter ng Nilalang na na-pull out din sa mga sinehan.
SEEN: Hindi dapat ihanay ang Nilalang sa Honor Thy Father dahil higit na matino at may saysay ang pelikula ni John Lloyd Cruz at ng quarrelsome director na si Erik Matti.
SCENE: Hindi kasalanan ni Maine Mendoza na siya ang nanalo ng best supporting actress ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015. Ang mga hurado na hindi niya mga kilala ang pumili sa kanya.
SEEN: Ang panawagan ni Ynna Asistio para sa kanyang mga kamag-anak na biktima ng sunog sa San Diego, California: Our Asistio family/Dela Cruz family in San Diego lost everything yesterday from a fire incident, we also lost our niece Vanessa. I would like to ask for a little help please spread this page for donations. If its not too much to ask please help us. This is the only way we can help our family for now since they are far from us. Thank you so much. May God bless you.
SCENE: Isang pre-school teacher sa Kids Depot Child Development Center si Vanessa dela Cruz, ang 22-year-old niece ni Ynna na nasawi sa nasunog na bahay nila na dating pag-aari ni former Chula Vista Mayor Shirley Horton.
SEEN: Naririto sa bansa si Samantha Lopez upang muling subukan ang kapalaran niya sa showbiz. Umaasa si Samantha na mabibigyan siya ng regular show sa TV5.
SCENE: Si Arci Muñoz sa isang department store sa Mandaluyong City noong Lunes. Nagmukhang matanda si Arci dahil sa kanyang makapal na make up at eyeglasses na suot.
SEEN: Reluctant sexy actor ang drama ni Erik Santos sa kanyang papansin na litrato na kuha sa isang wellness farm.
- Latest