Kung hindi magbabago ang ranking ngayong tapos na ang awards night, nananatiling matatag sa No. 3 ang entry ng Regal Films na Haunted Mansion magmula nang ito’y magbukas sa mga sinehan last December 25.
Hindi naman nakatulong sa pelikulang All You Need is Pag-Ibig ang urong-sulong na desisyon ni Kris Aquino at maging ang biglaang pagpapalit ng cast na inasahan niyang papasok sa No. 2 slot.
Best director pa naman Direk Erik no show sa Awards Night sa sama ng loob sa MMFF
Nahaluan ng matinding kontrobersiya ang ika-41st Metro Manila Film Festival (MMFF) nang i-disqualify ng MMFF Committee ang pelikulang Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz mula sa direksiyon ni Erik Matti under Reality Entertainment sa Best Picture category just because ang nasabing pelikula ang nagbukas sa Cinema One Originals Film Festival last November.
Si John Lloyd ang inaasahan ng marami na siyang makakapag-uwi ng Best Actor trophy pero ito’y napunta sa kapwa niya Kapamilya actor na si Jericho Rosales na siyang nanalo para sa pelikulang Walang Forever na siya ring nagpapanalo sa ikalawang pagkakataon sa MMFF sa Kapuso star na si Jennylyn Mercado.
Si Erik Matti man ang nanalong Best Director along with three other awards, hindi sumipot ang nasabing director para tanggapin ang tropeo sa sobra sigurong sama ng loob sa MMFF committee.
Dahil sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng pelikulang Honor Thy Father, marami tuloy ang curious itong panoorin lalupa’t napakaganda umano ng pagkakagawa ng movie.
Maine hindi naranasang umak-yat ng stage
Hindi naranasan ng phenomenal female star na si Maine “Yaya Dub” Mendoza ang personal na tanggapin ang kanyang kauna-unahang acting award mula sa kanyang first movie na My Bebe Love (#KiligPaMore) bilang Best Supporting Actress dahil nagbabakasyon ito sa Japan kasama ang kanyang pamilya. Ito bale ang first vacation ng buong pamilya matapos pasukin ni Maine ang showbiz five months ago.
Everything is coming up roses for Maine na nagsimula lamang sa kanyang pagiging Dubsmash Queen sa Internet.
#WalangForever siguradong mas malaki pa ang kinita sa mga big budgeted films
Kahit tinanghal na Best Picture ang #WalangForever ng Quantum Films at nakapaghatid ng lima pang awards mula sa MMFF (Best Actor, Best Actress, Best Original Story, Best Screenplay, at FPJ Memorial Award of Excellence), hindi nito nakuha ang Best Director award for Dan Villegas na napunta kay Erik Matti ng Honor Thy Father.
Ganunpaman, tuwang-tuwa ang Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonzo dahil muling naulit ang tagumpay ng kanyang 2014 entry na English Only, Please na hindi lamang nakakuha ng maraming awards last year kundi naging surprise hit din ito sa takilya na humamig ng mahigit P200-M sa entire run.
Maganda rin ang performance sa takilya ng isa pang MMFF entry ng Quantum Films, ang Buy Now, Die Later na nakakuha naman ng tatlong awards – 2nd Best Picture, Best Float (sa Parade of Stars), at Best Production Design.
Pagdating sa take home pay, baka mas malaki pa ang maiuwi ng Quantum Films kumpara sa mga big-budgeted MMFF entries dahil lesser ang kanyang cost of production at promotions.