Legendary singer na si Jack Jones may dalawang gabing concert

MANILA, Philippines – Nasa bansa para sa dalawang gabing concert ang legendary singer na si Jack Jones.

Gaganapin ang unang concert ngayong gabi sa KIA Theater at bukas, Wednesday, December 30 sa Novotel Manila, Araneta Center.

Entitled Jack Jones Sings Songs from the Heart, siyempre kakantahin niya sa nasabing concert ang greatest hits ng tinaguriang Total Entertainer at mga kantang galing sa kanyang new album called Seriously Frank, isang album that pays tribute sa great singer na si Frank Sinatra na magsi-celebrate na sana ng 100th birthday. “It’s always a pleasure performing in the Philippines because a lot of Filipinos are serious music lovers,” pahayag ng music icon kahapon nang humarap sa ilang entertainment media.

“Philippines is a country very close to my heart. I didn’t have second thoughts on leaving the U.S. on Christmas day just to get to Manila in time for the concert dates,” dagdag niya.

Mapapanood din sa concert ng music icon ang Kilyawan Consortium of Voices, Asia’s Got Talent 2nd Runner-up Gerphil Flores and Jose Mari Chan.

Matagal na palang magkaibigan sina Jack and Jose Mari.

Kasama sa mga kantang pinasikat ni Jack Jones ang Lollipops and Roses, Wives and Lovers, Love Boat, Dear Heart, What I Did For Love, Love with the Proper Strangers, A Lot of Livin’ To Do, at maraming-marami pang iba.

For other inquiries, call (0918) 4972121 or (0906) 4180786 and look for Murphy. You can also search for the official Facebook page of the concert, Jack Jones Manila 2015.

Nora tinawag na ‘nat’l artist’ ni Grace!

Nagkita na pala sina Sen. Grace Poe at Superstar Nora Aunor nitong nakaraang selebrasyon ng International Migrants’ Day ng Migrante International.

Pareho raw imbitado sina Grace at Nora sa programa ng Migrante dahil pareho nilang adbokasiya ang pagsulong sa karapatan ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa.

Sa naturang okasyon hindi umano naiwasang batiin ni Grace si La Aunor bilang “National Artist” na ikinatuwa naman ng batikang aktres.

“Siyempre nandito rin ang ating hinahangaan na National Artist sa puso ng maraming Pilipino, si Miss Nora Aunor. Nananalig talaga tayo sa himala,” ang umano’y pagbati ni Grace kay Nora sa kanyang speech.

Naudlot ang paggawad ng parangal na National Artist sa multi-awarded singer-actress sa kasalukuyang administrasyon dahil umano sa pagkakasangkot ni Ate Guy sa masamang bisyo sa kanyang nakaraan.

Ngunit inaasahan ng marami na makakamit ni Nora ang parangal kung si Grace na ang siyang susunod na mahalal na pangulo. Eh kahapon ay pinatigil na ng Supreme Court ang disqualification ng senadora sa pagkandidato sa pagka-pangulo kaya siguradong makakatulog na ng matiwasay ang kampo ni Sen. Grace.

Kamakailan ay ipinagtanggol pa ni Nora si Grace sa mga batikos ni Sheryl Cruz na ngayon naman ay nanahimik na bigla.

News team ng ABS-CBN nakaligtas sa motorcycle-riding gunmen

Kinondena ng ABS-CBN ang ginawang pang-aambush ng riding gunmen sa kanilang mga tauhan.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

ABS-CBN News condemns in the strongest terms the attack Saturday on our News team by motorcycle-riding gunmen in Bangolo, Marawi City.

The 3-man News team composed of reporter Ronnie Enderes, cameraman Emilito Balansag, and driver Gary Montecillo was traveling back to Iligan from Ramain, Lanao del Sur where they covered the bombing of a tower of the National Grid Corporation of the Philippines.

According to our news team, the gunmen riding in two motorcycles started following them from Marawi City. One assailant fired at the driver’s side, hitting the door and narrowly missing Montecillo. Another fired at the front passenger’s side, the bullet grazing the lower portion of the door.

We are relieved that Ronnie, Emilito, and Gary are safe and unharmed.  We are also grateful to the Philippine Army’s 103rd Brigade for providing temporary refuge to our News team.

We urge the authorities to investigate this ambush and bring the perpetrators to justice soonest, even as we vow to continue with our duties as journalists.

Mga Kapuso stars magsasama-sama sa GMA Countdown to 2016

Ngayong Disyembre 31 (Huwebes), sabay-sabay salubungin ang Bagong Taon na puno ng sorpresa at kasiyahan dahil handog ng GMA Network ang isang pagtatanghal kasama ang mga paboritong Kapuso stars.

Sa Countdown to 2016, kaabang-abang ang mga inihandang pasabog kasama ang mga hosts sa pa­ngunguna nina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, at ang Pambansang Bae Alden Richards.

Isang makulay na pagsalubong sa Bagong Taon ang tiyak na magaganap dahil inaanyayahan ang lahat na dumating suot ang kani-kanilang mga costumes.

Magsimula nang mag-post ng mga greetings at selfies gamit ang hashtag na #kapuso2016. Ang mapipiling selfie ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama ang Pambansang Bae sa isang production number.

Kaya naman ihanda na ang mga sarili dahil makakasama ang mga Kapuso artists kabilang sina Rocco Nacino, Mark Herras, Sef Cadayona, Julian Trono, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, Gerphil Flores, at ang Starstruck Top 6.

Siguradong kakikiligan din ang mga performances mula sa on-screen loveteams na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid; at Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Hindi rin dapat palampasin ang inihandang fireworks display na siguradong magpapamangha sa mga fans at viewers.

Maging bahagi sa isang engrandeng selebrasyon sa GMA Countdown to 2016 na magaganap sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard sa December 31. Magbubukas ang mga gates ng 5:00 p.m. at live telecast ng 11:00 p.m.

Show comments