MANILA, Philippines – Inunahan na ni Maine “Yaya Dub” Mendoza ang kaniyang mga bashers matapos siyang parangalan bilang best supporting actress sa 41st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Nagtaka rin ang “Eat Bulaga” star sa nakuhang award sa pelikulang “My Bebe Love: #KiligPaMore.”
Hindi personal na nakuha ni Maine ang award dahil nasa Japan siya kasama ang kaniyang pamilya upang magbakasyon kaya naman ipinadaan niya sa Twitter ang kaniyang reaksyon.
“Bago pa ako ibash ng sambayanan, mauuna na ako.. Bakit ako?” sabi ni Maine na kasama rin sa pelikula sina Alden Richards, Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.
“Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”
Bago pa ako ibash ng sambayanan, mauuna na ako.. Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!
— Maine Mendoza (@mainedcm) December 27, 2015
Ito ang kaniyang unang pelikula mula nang pasukin niya ang showbiz nitong Hunyo lamang kaya naman ikinagulat din niya ang pagkilala.
Kinilala naman bilang Third Best Picture ang My Bebe Love.