Ang pelikulang My Bebe Love (#KiligPaMore) ay hindi lamang pelikula nina Vic Sotto at AiAi delas Alas kundi pelikula rin nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza kaya tama lamang na bigyan ang AlDub loveteam ng equal billing.
Ang buong akala namin ay maggi-give-way sina Vic at AiAi kina Alden at Maine sa pelikula pero from start to finish ay integral sa kuwento ang kanilang respective roles and characters.
By the time this column comes out ay alam na ng publiko kung alin sa walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang nangunguna sa takilya.
Misis ni Rep. Martin papasukin na rin ang pulitika
Very proud ang mag-asawang Rep. Martin Romualdez at misis nitong si Yedda Marie Kittilstvedt sa panalo ni Pia Alonzo Wurtzbach sa 2015 Miss Universe lalupa’t 42 years na naging mailap ang korona sa Pilipinas matapos ang panalo noong 1969 ni Gloria Diaz at ni Margie Moran in 1973.
Unknown to many, si Rep. Martin Romualdez (first cousin of Sen. Bongbong Marcos and Tacloban City mayor Alfred Romualdez) ay beauty queen ang napangasawa, ang 1996 Bb. Pilipinas International at meron silang apat na supling – sina Andrew, Marty, Minxie, at Maddy.
Samantala, inamin ng Waray na kongresista na ika-1st district ng Leyte na hindi rin naging madali para sa kanya na makamtan ang matamis na “oo” ng kanyang misis nung ito’y kanya pa lamang nililigawan.
Ayon kay Congressman Martin, hindi umano niya tinantanan ang kanyang panliligaw kay Yedda hanggang sa ito’y kanyang mapasagot. Naging matiyagang manliligaw raw siya noon ng kanyang misis na marami ang nagkakagusto.
Kung bumitaw daw siya, tiyak na iba umano ang mapapangasawa nito.
Dahil sa kanyang pagiging congressional spouse, natutunan ni Yedda ang larangan ng pulitika at public service kaya papasukin na rin nito ang mundo ng kanyang mister at ibang kaanak. Tatakbo si Yedda sa posisyon na babakantehin ng kanyang mister bilang kinatawan ng 1st disctrict of Leyte habang si Congressman Martin Romualdez naman ay tatakbo sa pagka-senador, ang posisyon na iiwanan naman ng kanyang pinsang si Sen. Bongbong Romualdez Marcos na tatakbo naman sa pagka-bise president ng bansa.
Bukod kay Yedda, tatakbo rin ang cousin-in-law ni Cong. Martin na si Kring-Kring Gonzales-Romualdez sa pagka-mayor naman ng Tacloban dahil last term na rin bilang mayor ng nasabing siyudad ng mister ni Kring-Kring na gustong magpahinga muna sa pulitika tulad ng kanyang ginawa noon matapos ang kanyang termino sa kongreso.
Sina Mayor Alfred at Cong. Martin Romualdez ay parehong mga pamangkin ng dating Unang Ginang at kinatawan ng Ilocos Norte na si Madam Imelda Romualdez-Marcos.