^

PSN Showbiz

Ayaw makipag-agawan Jericho ipinauubaya ang best actor award kay John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan na malakas daw ang laban ni John Lloyd Cruz upang manalo bilang Best Actor para sa pelikulang Honor Thy Father sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night bukas sa Kia Theater.

Maging ang kaibigang si Jericho Rosales na katambal ni Jennylyn Mercado sa pelikulang Walang Forever ay naniniwalang si John Lloyd ang makasusungkit ng nasabing award. “Ibibigay ko na kay pareng John Lloyd ‘yun. Mabigat ‘yung pelikula niya. I’m going to watch Honor Thy Father dahil siyempre Erik Matti ‘yan and si John Lloyd. Bagong partnership, ibang tema ‘yun eh,” nakangiting pahayag ni Jericho.

Hindi rin daw umaasa ang aktor na mananalo siya ng award para sa kanilang pelikula ni Jennylyn. “We did our best, kaming dalawa ni Jennylyn so ayaw namin ng pressure. Gusto lang naming makita nila ‘yung ginawa namin. Confident kasi kami na magugustuhan ng tao ‘yung Walang Forever. Mamahalin nila, maganda ‘yung material talaga. ‘Yon lang ang masasabi ko,” giit ni Jericho.

Albert may malisya na sa mga kaibigang babae

Nalalapit na ang pagbababang luksa ni Albert Martinez para sa yumaong asawa na si Liezl Martinez, siyam na buwan na ang nakalilipas. Marami ang nagtatanong kay Albert kung may balak ba siyang mag-asawang muli sa susunod na taon. “It crossed my mind. Kaya lang iniisip ko, what if mag-asawa ko, how will my kids accept kung sino ang magiging asawa ko? Hindi ko matimpla pa. Kasi si Alyssa, ‘yung anak kong youngest super selosa. Siya ‘yung maraming tanong kapag hindi pa ako umuuwi. So binabalanse ko rin kasi ayoko namang magdagdag pa ng heartaches sa mga bata,” pagbabahagi ni Albert.

May mga napupusuan na kaya ang aktor kung sino ang kanyang bagong mamahalin? “In reality, ‘yung predicament ko ngayon mas mahirap compared noon. Kasi dati, kaibigan mo lang, okay lang. Ngayon, meron nang malisya. Medyo mahirap na talaga. Ako naman, mas lalo akong nagiging maingat ngayon. Ayaw ko namang makasakit ng iba kaya I don’t allow myself to be in that position,” pagtatapat ni Albert.

Madalas daw na naiisip ng aktor ang kanyang namayapang asawa. “She is 80 % of my life. ‘Yung buhay ko sa kanya lang umiikot. Gigising lang ako sa umaga para magtrabaho. Dati lahat automatic na, paggising ko sasakay na lang ako sa kotse, taping na. Ngayon ako na lahat, mahirap din talagang mawalan ng partner sa buhay,” dagdag pa ng aktor.

Nasa wastong gulang na ang tatlong anak nina Albert at Liezl na sina Alfonso, Alyanna, at Alyssa.

Nangangarap daw si Albert na magkaroon na ng apo mula sa kanyang mga anak. “Gusto ko lang to take care of them, make sure na makapag-asawa sila nang maayos at mabigyan sana ako ng apo soon. Kung sino man sa kanila,” pagtatapos ni Albert.

ACIRC

ALBERT

ALBERT MARTINEZ

ANG

HONOR THY FATHER

JOHN LLOYD

LANG

QUOT

STRONG

WALANG FOREVER

YUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with