Pelikula ni John Lloyd dinisqualified sa MMFF?!

John Lloyd Cruz

MANILA, Philippines – Totoo kayang may problema sa pelikula ni John Lloyd Cruz na Honor Thy Father? Last minute daw ay dinisqualify ito? Isa ito sa walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pinag-uusapan na ito bago pa man nagsimula ang festival pero hindi na lumaki ang issue. Pero kung totoo bakit naman ngayon pang ginastusan na ang pelikula sa promo at sumama sa Parade of Stars?

Why now lang? Kung disqualified na nga ha. Kasi ang narinig kong issue nagkaroon na ito ng commercial run na sinisilip noon pa.

Well, wala pang official statement ang MMFF. At ang tanging makakabigay din nga pala ng figures ng mga kinita ay ang MMFF ha. ‘Wag basta maniwala sa ilang naglalabasan sa social media.

My Bebe... at Beauty... nangunguna na agad!

As expected winner sa first screening kahapon ang My Bebe Love #KiligPaMore nina Vic Sotto and AiAI delas Alas with Maine Mendoza and Alden Richards.

Pero hindi umano nagpapahuli ang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda and Coco Martin with James Reid and Nadine Lustre.

Wala pang malinaw na information ang source kung magkano talaga ang kinita ng dalawang nabanggit at anim pang pelikula.

Pero kung titingnan mo ang Twitter parehong trending ang dalawang pelikula. First ang Bebe… at second ang Beauty… at makikita mo naman na parehong pila-pila sa mga sinehan ang My Bebe Love at Beauty and the Bestie base sa mga photos na ina-upload ng kani-kanilang fans.

Edu tumaas sa survey, mga nakiki-selfie pinagbibigyan din lahat

Tumaas ang ranking sa senatorial survey si Edu Manzano. Kung noon ay halos hindi lumulutang ang pangalan niya, ngayon visible na siya sa Top 20 at konti na lang ay pasok na siya sa Top 12. Kaya naman ayon kay Edu, mas ganado siyang mag-ikot sa mga probinsiya.

Kababalik lang ni Edu at mga anak na sina Luis, Addy and Enzo with Angel Locsin matapos ang almost two weeks na bakasyon sa Amerika kaya nakapag-recharge na siya na kailangan niya bago sumabak sa matinding kampanya next year.

Iba kasi ang kampanya ngayon. Hindi ka na lang basta magsasalita sa entablado at kakanta or sasayaw, kailangan handa kang makipag-selfie sa lahat ng lalapit sa ‘yo. Eh siyempre, in demand sa selfie si Edu lalo na sa probinsiya dahil bukod sa sikat ay malambing siya sa tao.

“Wala akong tinatanggihan. Hangga’t gusto nila, game ako,” sabi ni Edu nang minsang makausap namin.

Nakapaghanda naman daw siya. Very strict ang diet at regular ang bisita niya sa gym kaya malakas ang katawan niya at kering makipagsabayan sa energy ng mga bagets. Remember senior citizen na si Papa Doods pero in fairness ang physical appearance niya parang 40 something lang. Good luck Papa Doods.

          

Show comments