Kahit walang korona Miss Colombia inoperan ng $1 million para maging bida sa porn movie!

SEEN: Wala nang epekto sa publiko ang mga unsavory remark ni Kris Aquino laban sa kanyang ex-husband na si James Yap at hindi ito makatutulong sa All You Need Is Pag-Ibig, ang pelikula niya na tungkol sa pag-ibig at pagmamahalan ang kuwento.

SCENE: Ang pasasalamat ni Jericho Rosales sa mga nagsasabi na siya ang mananalo ng best actor award sa 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal dahil sa kanyang magaling na pagganap sa Walang Forever.

SEEN: Ang pa-humble effect na paniniwala ni Jericho na si John Lloyd Cruz ang magwawagi na best actor sa awards night ng MMFF dahil mahusay sa Honor Thy Father ang kanyang fellow Star Magic talent.

SCENE: Mapapanood sa TV5 ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2015 sa December 27. Ang Viva Live ang producer ng awards night ng MMFF na gaganapin sa Kia Theater.

SEEN: Ang isang milyong dol­yar na alok ng isang porn company kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez Arevalo para lumabas ito sa isang porn movie. Kung tatanggapin ni Ariadna ang alok, siya ang pipili sa lalaki na gusto niya na makapareha sa porn movie.

SCENE: Dalawa lamang ang “forgettable scenes” ni Aubrey Miles sa Nilalang. Siya ang gumanap na girlfriend ni Cesar Montano.

SEEN: Ang mag-amang Niño Muhlach at Alonzo Muhlach sa kanilang late night shopping sa Gateway Mall noong Miyerkules.

SCENE: Umani ng malakas na palakpakan at sigawan ang topless scene ni Vic Sotto sa float ng My Bebe Love sa MMFF Parade of Stars noong Miyerkules. Nagpalit ng My Bebe Love T-shirt si Vic habang nakasakay sa float ng filmfest movie nila ni AiAi delas Alas.

Show comments