Bayad sa mga sinehan mas nagmahal kita ng MMFF tiyak mas tataas

MANILA, Philippines – This is it pancit! Magbubukas na sa mga sinehan ang walong pelikula na bubuo sa 2015 Metro Manila Film FestivalHonor Thy Father starring John Lloyd Cruz, Walang Forever starring Jericho Rosales and Jennylyn Mercado, All we Need is Pag-ibig starring Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Xian Lim, Nova Villa, Ronaldo Valdez, Pok­wang with Kris Aquino, Bimby, Derek Ramsay and Talia and Julia Concio; Haunted Mansion starring Janella Salvador, Marlo Mortel and Jerome Ponce; My Bebe Love starring Vic Sotto, AiAi delas Alas, Maine Mendoza and Alden Richards; Nilalang starring Cesar Montano and Maria Ozawa; Buy Now Die Later starring Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Rayver Cruz among others and Beauty and the Bestie starring Vice Ganda, Coco Martin and James Reid and Nadine Lustre.

Romance comedy and light horror ang majority sa walong pelikula at walang masyadong drama na nakaka-miss panoorin tuwing Pasko.

Noon ang isa sa hinihintay ng marami ay ang Mano Po ng Regal Films dahil hindi lang naman mga bata ang market ng festival movies. Kailan kaya uli gagawa ng drama movie ang mag-inang Mo­ther Lily and Roselle Monteverde?

Anyway, umabot sa almost 1 billion ang kita sa 2014 MMFF kaya inaasahang mas malaki ang papasok na kita this year dahil mas nagmahal na ang bayad sa mga sinehan.

Yup kada taon ay lumalaki ang kita dahil sa pamahal nang pamahal ang bayad sa mga sinehan kaya talagang palaki ang kita.

Heart, Chiz nag-aligaga sa kanilang unang Pasko

First Christmas ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero as husband and wife. Kaya naman todo raw ang ginawang paghahanda nila sa Noche Buena kagabi. Personal na nagluto ang mag-asawa ng kani-kanilang specialty.

Isa pang ikinagagalak ng mag-asawa ay ang pagiging no. 1 pa rin sa  last survey ni Chiz.

Pero hirit ng leading independent vice-presidential candidate, isa lang daw ang wish niya this Christmas: three more kids para sa kanila ni Heart. Syempre, gusto raw ni Sen. Chiz ng two girls and one boy. 

Kamakailan lamang ay inamin ng aktres na ready na nga syang i-welcome ang motherhood. 

“I do feel it now ( ready to have a baby). I never used to feel that, na when you look at a baby’s fingers parang there’s something in your heart that moves you. It excites me because I have never felt this way before,” sabi pa ni Heart sa isang interview. 

Maligayang Pasko sa lahat ng readers ng Pilipino Star Ngayon (PSN)

Show comments