PIK: Kakaibang horror film naman ang pelikulang Buy Now, Die Later na ginawa ng Quantum Films, MJM Production, Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films na idinirek ni Randolph Longjas.
Si direk Randolph naman ang gustong bigyan ni Atty. Joji Alonzo ng break sa mainstream kaya talagang ipinush niyang matuloy ang pagsali ng naturang pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Naniniwala raw siyang kagaya ni direk Dan Villegas na nagpakitang-gilas sa English Only, Please nung nakaraang taon, at ngayon ay sa Walang Forever, mabibigyan din ng break si direk Randolph.
PAK: Super work daw muna ngayong Pasko si Pauleen Luna dahil hindi pa pala nila nasimulang mag-distribute ng imbitasyon sa kasal nila ni Vic Sotto.
Ang isa raw munang focus niya sa ngayon ay ang pag-aayos ng bahay. Nakapamili na raw sila ng mga gamit, para ‘pag maayos na raw ay sa wedding na siya naka-focus.
Ang target daw nila ay ayos na ang bahay bago matapos ang taong ito.
BOOM: Ang float ng My Bebe Love ang pinagkaguluhan nang husto sa parada ng Metro Manila Film Festival.
May nakarating pang balita sa aming may mga hinimatay daw sa mga sumusunod sa float ng naturang pelikula.
Ayaw daw kasi umalis ng mga taong nakaharang sa float, at ang iba ay sunod nang sunod kina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ang tsika pang nakarating sa amin, natagalan daw magsimula ang parada dahil may float daw ng ibang pelikula na ayaw pa umakyat ng mga artistang sakay gawa ng kainitan ng araw.
Ang tsika pa ni Kris Aquino, binigyan lang daw siya ng doktor niya ng dalawang oras na pagsali sa parada para hindi bumalik ang sakit niya.
Ayon sa aming source, ang pinakamagandang float ay ang sa Buy Now, Die Later kung saan pawang antiques ang naka-decorate.