Sa awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 27 malalaman kung magkakatotoo ang hula ng press people na si Jennylyn Mercado pa rin ang mananalong best actress this year. Dala ito ng mahusay niyang pagganap sa role ni Mia sa Quantum Films entry na Walang Forever.
Iiskor daw ng back-to-back win si Jennylyn dahil last year, siya rin ang nanalo para sa English Only, Please na prodyus pa rin ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo.
Malaki rin ang laban ni Jericho Rosales sa best actor at ang ibang press people nga na nakapanood kay John Lloyd Cruz sa Honor Thy Father na nagsabing ito ang mananalong best actor ay nagbago ang isip. Si Jericho na ang bet nila na may chance manalo. Ang husay-husay kasi nito bilang si Ethan!
Nakasabay ng press people manood sina Jericho at Jennylyn ng Walang Forever at kahit sila ay umiyak sa kanilang mga eksena. Pareho yatang first time nilang napanood ang movie, kaya ayun, nadala rin sila. Nagpaganda pa sa movie ang theme song na Bawat Daan na kinanta ni Ebe Dancel.
Sabi ni Jericho, akala niya ay rom-com ang Walang Forever sa unang araw ng shooting nila ni Jennylyn kay direk Dan Villegas. Hindi niya akalain na mas malalim pa roon ang pelikula na maraming hugot scenes.
Kaya hindi na kami nagulat na graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Walang Forever. Wish ni Jericho na muling makatrabaho sina direk Dan at Jennylyn dahil nabitin siya working with the two.
Twice pala naming narinig na sinabi ni Jericho na, “Jennylyn cringes” habang pinapanood ang love scene nila. Ang dating noon sa kanya ay nahiya o naging uncomfortable ito watching the scene na katabi siya.
Buhay ng nasirang si Direk Ishmael Bernal naka-depende sa Walang Forever
Nakausap namin si Atty. Joji Alonso after ng special screening ng Walang Forever at umaasang magiging maganda ang box-office result ng first team-up nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.
Dagdag pa ni Atty. Joji, ang kikitain ng movie ay gagamitin ng Quantum Films para magawa na ang biopic ng late director na si Ishmael Bernal. Matagal na niyang naikukuwento sa press ang tungkol dito na parang dream project niya.
Napili niya to play director Ishmael Bernal si Michael de Mesa at si direk Chris Martinez naman ang magdidirehe mula sa script ni Ricky Lee. Hindi pa kumpleto ang cast at sina Michael de Mesa at Eugene Domingo na gaganap sa role ng the late director Marilou Diaz-Abaya ang sigurado.
Isa pang gustong gawin ng Quantum Films ay ang My Candidate na tatampukan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado and to be directed by Quark Henares. Before the 2016 elections ang target nilang showing nito at uunahin bago ang sequel ng English Only, Please.
Janine nakalinya na ang biyaya sa 2016
Ang ganda ni Janine Gutierrez sa Buy Now, Die Later at tama si director Randolph Longjas na nakuha nga nito ang kilos at pananalita ni Lotlot de Leon sa movie. Young Maita (played by Lotlot) ang role ni Janine sa first movie niya sa MMFF.
Maganda ang pagtatapos ng 2015 at pagbubukas ng 2016 kay Janine both sa career at personal life niya. Mukhang mai-extend ang Dangwa dahil maganda ang feedback at rating.
Sa 2015 natupad ang dream ni Janine na makagawa ng pelikula at makasali sa MMFF via Buy Now, Die Later na tila dark horse sa award at sa box-office.
Sa March 2016, ang showing ng Lila at sa 2016 Cinemalaya, ipalalabas ang Dagsin na kapareha ni Benjamin Alves at kasama pa rin niya ang inang si Lotlot de Leon. Na-excite si Janine nang malamang entry din sa Cinemalaya ang Tuos ng lola niyang si Nora Aunor kasama si Barbie Forteza.
Maine bagay na host ng bagong programa ng GMA
Inihahanda na ng GMA 7 ang isa sa bago nilang show na magsisimula sa 2016 na Lip Sync Battle. To be directed by Rico Gutierrez na noong una ay akala namin original concept, pero may US version daw ito.
Pinost ni direk Rico ang stage design ng Lip Sync Battle at marami agad ang nagandahan. Hindi pa sinasabi kung sino ang host ng show, pero may mga nagre-request na sana si Maine Mendoza ang kuning host dahil siya ang Dubsmash Queen ng bansa.