A Second Chance tumabo na ng P566-M, MMFF movies dapat makahabol

MANILA, Philippines – Wow, ang pelikulang A Second Chance ng Star Cinema na pala ang bagong highest grossing Filipino movie of all time matapos umano itong tumabo ng P566 milyon worldwide simula nang ipalabas ito sa mga sinehan noong Nobyembre 25.

Naungusan na raw ng hit sequel ng One More Chance na bida sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang pinagsamang local at international box office sales ng 2014 film nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Starting Over Again.

Bukod sa pagiging phenomenal box office hit, gumawa rin ng kasaysayan ang pelikulang idinerehe ni Cathy Garcia-Molina dahil ito ang kauna-unahang local film na pumalo ng mahigit isang bilyon sa ticket sales.

Ito rin ang unang local film na ipinalabas sa United Kingdom ng Vue Entertainment, isa sa pinakamala­king cinema chain sa naturang bansa sa ilalim ng Vu­e International na siya namang pinakamalaking cinema group sa labas ng US. Pinalabas din ito sa ibang major cinemas sa Europe partikular sa Milan, Rome, Messina, Padova, Paris, Madrid, at Vienna.

Naku kailangang malampasan ito ng mga kasaling pelikula sa magbubukas na Metro Manila Film Festival (MMFF) bukas ha.

Kanya-kanyang hula na kung sino ang mangunguna pero hintayin muna nating magbukas at ang pila sa mga sinehan.

May bali-balitang hindi tatanggalin sa ibang sinehan ang Star Wars. Pero ayon sa ilang source, malamang hanggang iMax lang naman daw ‘yun.

Mga pelikulang kasali sa MMFF, ang daming ‘commercial’

Naku humanda na ang mga manonood ng MMFF movies starting tomorrow. Tambak umano ang product intrusion sa ilang pelikula. Parang mauumay daw kayo sa mga produktong ini-indorso ng ilang bida sa mga pelikulang ipalalabas simula bukas, Araw ng Pasko.

Wow, kung ganun jackpot ang mga producer ng ibang pelikula dahil sa bukod sa tiyak na pipilahan sila, tiyak bawi na sila sa mga product intrusion pa lang. Namumutiktik umano ang mga produktong ini-indorse ng mga bida sa halos 5 pelikula.

Kung sabagay hindi na bago ang ganyang style sa mga pelikula.                                                

Show comments