‘Yang wala kapahingahan, kawalan ng tulog at maging panahon ay some of the prices na ang mga tulad ni Alden Richards has to pay kapalit ng kanyang tagumpay at kasikatan.
Nasa kanya na kung paano niya aalagaan ang kanyang sarili para naman huwag bumigay ang katawan niya.
May paraan, mind you, may paraan. Ang unang leksyon na dapat niyang matutunan ay ang matuto naman siyang tumanggi!
Dahil sa kapabayaan Kris dapat saluhin ang lahat ng sisi
Pupunta pala ng Hawaii si Kris Aquino at dun na hihintayin ang resulta ng MMFF 2015 na kung saan ay may movie siya.
Sa palaging pagta-top niya sa mga nakaraang MMFF, wala siyang masisisi kundi ang sarili niya kapag hindi man lamang nakasama ang All You Need Is Pag-ibig sa top 4 dahil sa kawalan niya ng interes at kapabayaan sa hindi pagpu-promote ng movie.
Pauleen masayang malungkot sa nangyari kay Pia
Natutuwa si Pauleen Luna sa panalo ng best friend niyang si Pia Wurtzbach bilang Miss U.
Pero, at the same time ay mami-miss niya ito sa wedding nila ni Vic Sotto dahil baka hindi na ito makabalik agad at magsimula na ng trabaho niya bilang Miss Universe. Eh, abay ito sa kasal niya!