Miss Germany pinagbabayaran na ang pagiging tsismosa, Pia naiyak dahil sa pambu-bully ng ibang kandidata

SEEN: “Nakakainis ka, ang galing mo!” ang dialogue ni Jennylyn Mercado kay Jericho Rosales pagkatapos ng special screening kahapon ng Walang Forever, ang pelikula nila na official entry ng Quantum Films sa 2015 Metro Manila Film Festival. Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula.

SCENE: Pang-best picture ang Walang Forever at mas maganda ito kesa English Only Please, ang surprise hit movie ng 2014 Metro Manila Film Festival.

SEEN: Ang kissing picture nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista na na-miss ang isa’t isa dahil matagal silang hindi nagkita.

SCENE: Napaiyak si AiAi delas Alas sa premiere night ng My Bebe Love dahil sa mainit na pagtanggap ng audience sa filmfest movie nila ni Vic Sotto.

SEEN: Malakas ang kilig factor ng mga eksena nina Maine Mendoza at Alden Richards sa My Bebe Love kaya hindi madidismaya ang AlDub Nation.

SCENE: Nakunan ng video ang pag-iyak ni Pia Wurtzbach sa backstage ng Miss Universe dahil sa pambu-bully sa kanya ng ibang mga kandidata.

SEEN: Ang manager ni Pia Wurtzbach na si Jonas Gaffud ang personal na nakaranas sa kasinungalingan ni Miss Germany na nagsabi na wala na si Pia sa hotel room nito dahil lumipad na ang newly-crowned Miss Universe sa New York. Hindi totoo ang sinabi ni Miss Germany dahil nasa hotel room lamang si Pia.

SCENE: Si Miss Germany ang nagkalat ng balita na hindi ibinoto si Pia Wurtzbach ng 77 candidates ng Miss Universe kaya nakatikim siya ng matinding bashing mula sa supporters ng Filipina beauty queen.

Show comments