Teleprompter pinagdudahan kasi, Miss Australia pinatunayang si Pia ang nanalo!

MANILA, Philippines – Nag-sink in na nga yata kay Miss Universe Pia Wurtzbach ang pagkapanalo a day after ng kapalpakan ng host na si Steve Harvey.

Pinost niya sa kanyang Instagram account ang litrato niya na suot ang korona habang nakalatag sa lamesa ang kanyang Miss U sash.

“42 years of drought and now it finally reigns :) Mabuhay! Maraming salamat po sa inyong lahat,” sabi ni Pia.

Pangatlong Pinay pa lang na nanalong Miss Universe ang dating ABS-CBN talent kaya naman talagang lahat ay nagbubunyi.

Eh naging kontrobersiyal pa. Talagang siya ang laman lahat ng new media platform at maging sa lahat ng newspapers mapa-broadsheet at tabloid.

Speaking of Pia, contrary sa statement ni Miss Germany, sinabi ni Miss Australia Monika Rodulovic sa interview ng Sunrise, na kasama sa Top 5 na nag-flashed sa teleprompter ang instruction na maglalakad nga si Pia bilang nanalong Miss Universe.

“The rest of us, the 77 other contestants, were on the sideline on the stage and we actually saw on the teleprompter, it said ‘Philippines, please take your first walk as Miss Universe,’” sabi ni Miss Australia sa Sunrise na isang morning show sa kanyang bansa.

So alam na raw lahat ng mga ibang kandidata na may pagkakamali sa tinawag ng host.

“We were looking at each other, thinking ‘what are we waiting [for]‘; and then Steve Harvey made a walk down the runway and we can see the look on his face and we knew what happened.”

At tinanong pa siya ng host kung pangalan nga ni Pia ang nasa teleprompter : “It did. Yes, on the teleprompter.

“[For] Colombia, that feeling of winning, you can see that she was crying of joy and then getting that taken away, but at the same time for Philippines, she really didn’t have that amazing victory. I mean the girls, we ran to Colombia first to consolidate her so she [Wurtzbach] didn’t have that congratulatory walk that Miss Universe normally get,” sabi pa ni Miss Rodulovic.

So klaro na siguro ang lahat. Pati kasi mga hurado nagsalita na si Pia talaga.

MMFF new wave entries wasak na wasak sa Star Wars

Kawawa rin pala ‘yung mga pelikulang kasali sa New Wave Category ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 dahil ka­bangga nila ang kasalukuyang rumaragasa sa takilya na Star Wars: The Force Awakens.

Minus factor pa na sa selected theaters lang ito palabas. Imagine paano pa makakalaban ang nasabing mga pelikulang Tagalog kung ang kalaban mo ay higante?

Lima ang pelikulang kasali New Wave Competition – Ari, Mandirigma, Tandem, Toto at Turu-Turo.

Tatlo sa lima, Ari, Tandem, Toto ang binigyan ng A rating ng Cinema Evaluation Board (CEB) kaya masasabing kalidad ang mga pelikula. Pero kung ang kalaban mo naman ay higante at halos lahat ng butas ng sinehan sa mga mall ay ‘yun ang palabas, durug na durog nga sila at nganga ang mapapala ng mga producer.

Wala namang choice dahil worldwide ang lakas ng Star Wars at siyempre negosyo iyan kaya talagang hindi ipa-prioritize ng mga sinehan ang ating sariling pelikula na pinuhunan ng mga producer na passion ang paggawa ng pelikula dahil indie naman lahat ‘yun.

Anyway, masusubukan sa Biyernes, Pasko, ang lakas ng mga pelikulang kasali sa mainstream ng MMFF.

Show comments