Nagiging favorite vacation place ni Kris Aquino ang Hawaii dahil doon uli sila magbabakasyon ng mga anak na sina Josh at Bimby at doon na rin magsi-celebrate ng New Year. Kundi mababago, sa Friday na ang lipad ng mag-iina, after nilang manood ng All You Need Is Pag-ibig na entry nina Kris at Bimby sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).
After New Year na ang balik nina Kris at mga anak at ang maganda, kahit ilang araw lang ay makakapagpahinga si Kris.
Bago kasi umalis, nag-advance taping pa siya ng five episodes ng KrisTV at sasama sa ibang cast ng All You Need Is Pag-ibig sa Parade of Stars.
Bago nga lumipad for Hawaii sa Friday, manonood pa siya ng MMFF entry at tiyak, kahit nasa Hawaii, itsi-check nito ang box-office result ng kanilang movie.
Alden nagtatrabaho kahit may sakit
Muling napanood si Alden Richards na umiyak nang i-present sa kanya ng PARI ang double platinum award para sa Wish I May album niya sa GMA Records. Sabi nito, napapagod siya sa sobrang hectic ng kanyang schedule, pero nawawala ang kanyang pagod ‘pag naa-appreciate ang mga ginagawa niya.
Kung masusunod ang schedule, may movie sila na gagawin ni Maine Mendoza na dapat ipalabas sa March. Dapat, by January pa lang simulan na nila ang shooting ng pelikula. May narinig pa kaming concert na kanilang gagawin.
Sunud-sunod pa rin ang pagko-cover ng magazine nina Alden at Maine at pareho pang December issue ang YES! at People Asia. Sila rin ang napiling People’s Choice awardees at nakasama ang 14 pang People of the Year awardees.
Samantala, bukas na ang Parade of Stars ng My Bebe Love at hinihintay ito ng AlDub Nation na hindi pa nakikita nang personal ang magka-love team. Pero totoo bang may sakit si Alden last Sunday?
AiAi hindi na nakatiis sa mga bintang na ayaw kay Maine
Nakatikim ng sermon kay AiAi delas Alas ang ilang AlDub Nation fans at fans ni Maine Mendoza na nag-aakusa sa kanyang ayaw niya sa dalaga at mas gusto niya si Julie Anne San Jose na kasama ni AiAi sa Sunday PinaSaya.
Post ni AiAi sa Instagram (IG) na naka-cap lock (para mas intense): “MINSAN KASI THINK BEFORE YOU CLICK MINSAN KASI MARAMI KAYONG HINDI ALAM SA SHOWBIZ...UNA...HINDI PO PWEDENG 4 ang BOX OFFICE KING AND QUEEN. ‘YUNG IBA GINAGAWANG PHENOMENAL BOX OFFICE KING AND QUEEN ‘YUN ANG IBIG KONG SABIHIN...MARAMI NADIN MINSAN DITO NA SINASABI IBANG TAO...PARATE NYO AKO JUDGE ABOUT Maine Ni hindi nyo naman alam ang ginagawa ko for Maine. Ayaw ko na lang kayo pansinin kasi GV LANG ANG MAHIRAP SA SOCIAL MEDIA D MO ALAM KUNG TOTOONG FANS O FAKE ACCOUNT KAYA HINDI AKO PUMAPATOL...
“ANG AYOKO LANG HINDI NYO AKO KILALA NG PERSONAL...ALAM NYO BA NA MAY ISANG QUESTION ANG PRESS SA DAVAO NA NAHIHIRAPAN SI MAINE SAGUTIN PINATULUNGAN KO KAY ALDEN SUMAGOT...MAKIKITA NYO YUN SA PEPE INTERVIEW NAMIN NG BUO NA BUMULONG AKO...This will be MY LAST TIME TO SAY ANYTHING ABOUT THIS... I support Alden and Maine..CASE CLOSE...
“NOTE: this is not only for u (binanggit ang pinatungkulan) SA LAHAT TO NG MGA FANS NA MARAMING SINASABI TUNGKOL SAKEN ABOUT MAINE NA UMPISA NG DISKUSYON AT KA NEGAHAN...Anything na ganun will be blocked AND DELETED...MARAMING SALAMAT PO.”
Mabilis din namang humupa ang pagbe-beastmode ni AiAi nang mag-sorry ang fan na nagpainit ng kanyang ulo.
Kahit walang pelikula Richard may sariling float sa Parade of Stars!
Sa February 2016 na rin pala ang airing ng Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez, kaya ang taping ay naka-schedule bago mag-New Year. This week and next week na dapat mag-taping si director Carlo J. Caparas.
Sabi ni Jun Lalin, sa Parade of Stars bukas, kasama si Richard at may sariling float ang aktor para na rin i-promote ang Panday na mapapanood sa TV5. Tatlo ang leading ladies ni Richard dito kabilang si Sam Pinto na malapit na palang mag-expire ang kontrata sa GMA 7.