Ngayon lamang daw naranasan ni John Lloyd Cruz na nagtatrabaho siya nang Kapaskuhan.
Kalahok ang pelikulang Honor Thy Father sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya abala ngayon ang aktor. “First time kong Christmas season na may trabaho. So para maiba, okay din,” bungad ni John Lloyd.
May bulung-bulungan na posibleng si John Lloyd ang makakasungkit ng Best Actor award dahil talagang magaling ang binata sa nasabing proyekto. “Ako, more than anything talaga, it’s not the awards, it’s not the box office, ‘yung kita, hindi. Ang sa akin, pinaka-excited ako do’n sa fact na mayroong ganitong tema ng pelikula na part ng MMFF. Gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience. Especially audience ng MMFF kasi parang sila ‘yung parang representative talaga. Dito kasi, walang ibang pinapalabas ‘di ba?” paliwanag ng aktor.
Kadalasang napapanood si John Lloyd sa mga temang romantic-comedy pero seryoso ngayon ang tema ng kanyang pelikula. Nakararamdam daw ng kaba si John Lloyd kung tatangkilikin ng mga manonood ang bagong pelikula. “’Yung kaba, kahit naman sa rom-com, ito naman A second Chance, hindi naman namin ine-expect na magiging ganyan ang result. Kumbaga, in the end, hindi mo pa rin masusukat ang audience,” pagtatapat ng aktor.
“Minsan hindi madaling sumakay sa transition. Minsan, hindi mo alam kung saan ka lulugar. Minsan, hindi mo alam kung ano’ng direksyon. Parang ang career naman namin, parang buhay lang eh. Minsan nandiyan ka, minsan wala. Ang importante is every chance you get, enjoy mo and do it your best,” giit pa niya.
Billy gusto na uling kumanta
Ilang taon nang hindi nakapaglalabas ng album si Billy Crawford kaya sa 2016 ay nakatakda raw maglabas ng bago ang singer. “For me, I miss performing again. So hopefully I could go back and finish my album next year. Definitely a bunch of songs that we have done while back, reinvented and some new stuff as well. It’s a hip hop, R&B, pop, dance. It’s pretty much a mixture with a bunch of stuff,” nakangiting pahayag ni Billy.
Samantala, masayang-masaya ang singer-actor dahil naging bahagi siya ng pelikulang A Second Chance na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Ito na ngayon ang top-grossing movie of all time sa bansa. Isang malaking karangalan daw para kay Billy na makatrabaho sina Bea at John Lloyd kahit nakaramdam siya ng pressure dito. “Tinawagan nga lang ako ni direk Cathy (Garcia-Molina). Sabi niya, ‘O ano pwede ka bang mag-cameo?’ Sabi ko, ‘sure’. Si direk Cathy naman, wala naman akong problem. Tapos si John Lloyd pa, fellow Kanto Boy (grupo nila sa ASAP). It’s definitely a fun experience to work with him. “Nakaka-pressure actually. It’s really intimidating to be with the likes of Ms. Bea Alonzo and John Lloyd Cruz and everyone included in the cast of A Second Chance but just being there, it’s definitely a great time,” paliwanag ni Billy.