Host ng Miss U biglang sikat dahil sa kapalpakan!
Nakakaloka ang kaganapan sa coronation night ng Miss Universe na nasaksihan ng buong daigdig pero ito ang insidente na nakakaloka pero tanggap na tanggap ng mga Pinoy dahil winner si Pia Wurtzbach.
Walang nag-expect na may twist ang tagumpay ni Pia na idineklara na first runner-up ng host na si Steve Harvey pero siya pala ang tunay na winner.
Happy na ang mga Pinoy na first runner-up si Pia kaya nagpista ang lahat nang ituwid ni Harvey ang kanyang pagkakamali.
Hindi masyadong kilala ng mga Pinoy si Harvey na biglang sumikat dahil sa kanyang boo-boos. I’m sure, sikat na sikat din siya sa Colombia at baka nga most hated pa sa bansa ni Ariadna Gutierrez Arevalo.
Well, tao lamang si Harvey na nagkakamali. Mas mahalaga na tinanggap niya ang honest mistake na na-commit with matching public apology.
Pia malamang hindi na makadalo sa kasalang Pauleen-Vic
Best friend ni Pauleen Luna si Pia Wurtzbach at isa ito sa mga abay sa church wedding nila ni Vic Sotto sa January 2016.
Ewan ko lang kung makakadalo pa si Pia sa kasal nina Bossing at Pauleen dahil nagbago na ang takbo ng buhay niya.
Marami nang commitments si Pia bilang Miss Universe at may sey na ang pageant organizer sa mga schedule niya.
Bilang Miss Universe, required si Pia na manirahan sa New York sa loob ng isang taon, tulad ng nangyari kay Megan Young na one year na namalagi sa London nang masungkit niya ang Miss World 2013 crown.
I’m sure, dadagsa na rin ang mga alok na product endorsement kay Pia at dahil may international beauty title na siya, siguradong malaki ang talent fee niya.
Replay button siguradong gasgas sa coronation night ng Miss Universe
Pinanood ko uli kagabi ang replay ng Miss Universe dahil baka hindi na nagkamali si Steve Harvey sa kanyang announcement.
Ganyan ang madalas na biruan kapag may mga Pinoy na natatalo sa mga contest na sinasalihan nila.
Nang matalo ni Floyd Mayweather, Jr. si Manny Pacquiao sa kanilang boxing fight noong May 2015, pinanood ko ang replay dahil baka si Papa Manny ang nag-win.
Sure na sure ako na marami ang nanood ng replay ng Miss Universe dahil sa tagumpay ni Pia Wurtzbach. Baka nga mas mataas ang rating ng replay kesa sa delayed telecast kahapon dahil marami ang nasa trabaho.
Bangayan ng kandidato pansamantalang nakalimutan dahil kay Pia
Ang Miss Universe victory ni Pia ang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa bansa natin bago mag-babu ang 2015.
Pansamantalang nalimutan ng mga Pinoy ang bangayan ng mga kandidato sa 2016 elections. Instant celebrity si Pia dahil ang name niya ang bukambibig ng lahat.
- Latest