^

PSN Showbiz

Pia nag-sorry kay Miss Colombia, nanalamin din pagkasuot ng korona; Steve Harvey patung-patong ang kasalanan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dyosko muntik pang makawala kay Pia Wurtzbach ang korona ng Miss Universe 2015.

Imagine, nagkamali ang host na si Steve Harvey sa pagbasa ng winner. Ang una niyang tinawag na nanalo ay si Ms. Colombia Ariadna Gutierrez na nakakaawa naman dahil naputungan na ng korona, may sash pa at rumampa-rampa na habang kuma­kaway, pero hindi naman pala siya ang totoong nanalo. Kaya hindi nagtagal ang pagiging Miss Universe niya dahil biglang bumalik sa center stage ang host at sinabing si Miss Colombia ang first runner up at si Pia ang totoong Miss Universe 2015 habang pinapakita niya ang cue card na tinutukan ng camera na nakasulat nga ay 2nd runner up ang Miss USA , 1st si Miss Colombia at si Ms. Philippines ang Miss Universe. “Let me just take control of this. This is exactly what’s on the card. I will take responsibility for this. It was my mistake. It was on the card,” sabi ng host ng pageant na host ng mga programang The Steve Harvey Morning Show, Steve Harvey talk show, and Family Feud sa Amerika.

Natigalgal ang lahat sa ginawang pagtutuwid ni Harvey at maging si Pia ay nataranta at shocked base sa napanood na reaction niya sa live airing ng pageant.

Kaya naman halos mawasak ang Twitter kahapon dahil sa napakalaking pagkakamali sa announcement ng winner.

Bukod sa pagso-sorry niya sa stage, sunud-sunod din ang pagpo-post ni Harvey sa kanyang Twitter account ng paumanhin sa napakalaking kapalpakan.

“I’d like to apologize wholeheartedly to Miss Colombia & Miss Philippines for my huge mistake. I feel terrible.

“Secondly, I’d like to apologize to the viewers at that I disappointed as well. Again it was an honest mistake,” sabi niya.

Pero marami pa rin ang naloka sa mga post niya dahil mali ang spelling ng Colombia at Philippines.

“I want to apologize emphatically to Miss Philippians and Miss Columbia. This was a terribly honest human mistake and I am so regretful,” sabi ba naman niya sa tweet na ikinabuwisit na naman ng Twitter users. Kaya naman agad niya itong binura.

Personal namang nag-sorry ni Mr. Harvey kay Pia at tinanggap naman ito ng bagong koronang Miss Universe.

42 years ang hinintay

Forty two years ang hinintay ng bansa bago nasungkit ang mailap na korona ng Miss U.

Ilang beses nang nag-first runner up, may second runner up, at ilan pang runner ups pero ngayon lang talaga naputungan ng korona ang Pinay re­presentative ng bansa sa naturang beauty pageant.

Si Margie Moran pa ang huling Miss U ng Pilipinas kaya naman nagbubunyi ang buong samba­yanan sa pagkakapanalo ni Pia.

Sa rami nang sumali sa on line voting kung saan binuksan sa social media users ang pagpili sa mananalo, bumagsak ang website ng Miss Universe pero agad naman umano itong naayos at umabot sa 10 million ang nakiisa pagboto.

Miss Germany nang-nega

At kung nagbubunyi ang lahat sa panalo ni Pia, nega naman ang statement ni Miss Germany.

“I really couldn’t believe it. I was so upset.

“For me, Miss France is the real winner.

“I was very happy for Colombia and I think she really deserves it.

“But I’m really not happy with the result and so do the other girls. I’m sorry to say it,” sabi ni Miss Germany  na si Sarah-Lorraine Reik.

Pia nag-sorry kay Miss Colombia, nanalamin din pagka-suot ng korona

Samantala, inamin naman ni Pia na nagulat siya sa mga pangyayari. “Actually, the two emotions that I’m feeling right now is joy that I won, but also concern for Ariadna.

“That’s why it was a little bit of a confusion for me and didn’t know exactly how to express myself on stage, because those were the two emotions I was feeling that time,” sabi ni Pia sa mga lumabas na post-pageant interview.

Nag-sorry din siya kay Miss Colombia at sinabing walang agawang nangyari sa korona. “With what happened, again, I’m very sorry. I did not take the crown from her.”

Lumabas din sa mga interview na hindi pa makapaniwala si Pia na suot na niya ang korona at kinailangan pa niyang manalamin backstage para patunayan sa sariling sa kanya ngang ulo inilagay ang korona.

Pia pangatlong pinay na Miss U, bumawi rin sa talo ni Pacman

Si Pia ang pangatlong kinatawan ng bansa na nag-uwi ng korona kasunod ni Gloria Diaz at Margarita Moran.

Kaya muling ipagdiwang at panoorin ang winning moment ni Pia sa Miss Universe ngayong  Disyembre 23 (Miyerkules), 2PM; Disyembre 26 (Sabado) 12MN sa Lifestyle (Sky Cable and Destiny Cable channel 52). Eere rin muli sa ABS-CBN ang Miss Universe sa Disyembre 27 (Linggo) sa Sunday’s Best.

At least pinatunayan ni Pia ang nauna niyang sinabi na babawi siya sa pagkatalo noon ni Pacman na ikinaloka noon ng marami.

ACIRC

ANG

KAYA

KORONA

MISS

MISS COLOMBIA

MISS GERMANY

MISS U

MISS UNIVERSE

NAMAN

PIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with