MANILA, Philippines – Talo na, nanalo pa.
Ito ang maaaring masabi ng Pilipinas sa pagkapanalo ni Pia Alonzo-Wurtzbach na unang kinilala bilang first runner-up ng Miss Universe 2015.
Naisuot na ang korona kay Miss Colombia Ariadna Gutiérrez at nagkaroon na siya ng moment, ngunit ilang sandal lamang ay bumalik ang host na si Steve Harvey upang aminin na siya ay nagkamali.
Humingi ng paumanhin si Harvey at sinabing si Wurtzbach ang nanalo.
BASAHIN: Pia Wurtzbach wagi bilang 64th Miss Universe!
Ipinakita niya ang mismong resulta ng kompetisyon kung saan si Wurtzbach ang totoong nanalo.
Humingi naman ng paumanhin si Harvey sa nangyari.
I want to apologize emphatically to Miss Philippines and Miss Colombia. This was a terribly honest human mistake. I am so so regretful.
— Steve Harvey (@IAmSteveHarvey) December 21, 2015
I'd like to apologize wholeheartedly to Miss Colombia & Miss Philippines for my huge mistake. I feel terrible.
— Steve Harvey (@IAmSteveHarvey) December 21, 2015