Kris pinagbibintangang ginagamit si Mayor Bistek sa promo ng MMFF movie niya

Si Kris Aquino ba ang nagpasimuno ng balitang may nagpapadala sa kanya madalas ng lechon na hinihinala ng marami ay si QC Mayor Herbert Bautista? Wala naman siyang pinapangalanan, pero obvious na nagsisimula na namang mag-aalala ang mga umaayaw kay Kris para kay Mayor dahil bini­bin­tangan siyang ginagamit ito para sa promos­yon ng kanyang All You Need Is Pag-Ibig.

Hindi naman niya pinapangalanan ang lalaki, hindi rin siya nagbibigay ng clue, pero paano nila nahuhulaan na si Mayor nga ‘yun?

Kayong may ayaw kay Kris para kay Ma­yor, si Mayor kaya ang bantayan ninyo. Tsk. Tsk. Tsk

Fans ng mga artista kailangang magsanib-puwersa para manalo si Pia sa Miss U

Kung gugustuhin ng movie fans sa Pilipinas ay magagawa nilang maipanalo at mailagay ang ating kandidata sa Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa Top 3 sa pinakaprestihiyosong beauty pageant na ginaganap ngayon sa Las Vegas, Nevada, sa Amerika. Kung nagagawa nga naman nilang mailagay sa pangunahing posisyon ang kanilang idolo, walang dahilan para hindi tayo muling magkaro’n ng isang Miss Universe.

Malaki ang maitutulong lalo na ng AlDub Nation na siyang hinihingian ng ating Bb. Pilipinas Universe ng help sa pamamagitan ng social media para sa online votes. Nasa kanya na ang ganda at talino para maka-survive sa nasabing paligsahan. Ang online votes ay isa lamang assurance na mapapansin siya at hindi maiitsapwera.

Kaya, ano pa ang hinihintay n’yo, mga AlDub Nation, fans ng JaDine, KathNiel, LizQuen, KimXi at maging ng mga Noranian at Vilmanian, ngayon na ang panahon para ma­i­taas ang lebel ng inyong pagiging mga tagahanga sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang Pilipino na hindi na­ngi­ngiming humingi ng tulong sa inyo.

Janella naungusan na si Julia

Hindi pa man naipalalabas ang Haunted Mansion ay nabigyan na ng titulong Horror Movie Princess si Janella Salvador. Naungusan na niya ang kasabayang si Julia Barretto. Mukha namang walang tumututol sa bago niyang titulo dahil sa katatakutan na nakikita sa trailer ng HM na mukhang pipilahan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015. Trailer pa lamang kasi ay nagsasabog na ito ng lagim.

Kaya naman si Mother Lily Monteverde ay proud na proud kahit paulit-ulit siyang magbigay ng advance screening at kahit hatinggabi niya ito gawin ay dinudumog pa rin ng manonood.

Sulit ang effort ni Janella at mga kasamahang Kapamilya na sina Marlo Mortel at Jerome Ponce na gumawa ng pelikula sa labas ng kanilang mother network na Star Cinema dahil talagang pinaganda ang HM sa tradisyon ng Shake Rattle & Roll.

Suwerte ng KathNiel napunta na sa JaDine?!

Nagrereklamo na ang dakilang ina ni Daniel Pa­dilla na si Karla Estrada na nagkukulang na ng pag­papahalaga ang ABS-CBN sa kanyang anak at sa kapareha nitong si Kathryn Bernardo.

Sa dinami-rami ng leksyon na ibinahagi ng ina sa kanyang anak, hindi ba nakasama dun ang pagiging mabilis na pagdating at pag-alis ng swerte? Anumang oras ay naglalaho ito. Kaya habang hawak mo ito ay pagyamanin mo na dahil baka bukas makalawa ay lilipat naman ito sa iba.

Suwerte ng JaDine kung sa kanila ito sunod na dumapo. Kahit hindi sila Kapa­milya at taga-Viva ay hindi na mahalaga.

May matagumpay silang serye at nagpapasok sila ng malaking kita sa kumpanya. At ‘yun ang takbo ng buhay sa showbiz.

Show comments