Hindi lang mga negosyante mga artista talo pa ang mga pulitiko sa pagbabayad ng buwis!

Bakit kaya halos mga artista ang nakita sa talaan ng nagbayad ng mala­king buwis sa gobyerno? Sila lamang ba ang kumikita ng malaki? Gusto ko namang makakita ng mga non-showbiz na nagbabayad din ng malaking buwis sa ating pamahalaan. To think na nakakapag-charity pa ang mga artista kumpara sa maraming pulitiko na pera rin ng bayan ang ipinantutulong sa mahihirap.

Supporter ni Sen. Grace pinag-iisipan kung boboto pa

Hinayang na hinayang ang kaibigan ko at kasamahan dito sa PSN na hindi nakita nang personal ang presidentiable na si Sen. Grace Poe at ma­ging ang kanyang ina na si Su­san Roces. Nasa mala­yong probinsya ang senadora at patuloy sa kanyang pakiki­pag-kilala sa mga tao.

Certified supporter nga naman ito ng matapang na babae na tumatakbo bilang pangulo. Iniisip pa ni Vero kung boboto pa siya kapag na-disqualify ang senadora.

Michael hinihintay pa rin sa Walang Tulugan

Mukhang mahihirapan nang balikan ni Michael Pangilinan ang Walang Tu­­lu­gan with the Master Showman. Napakalaking kasi­katan ang ipinagka­loob sa kanya ng pogramang Your Face Sounds Familiar. At baka dahil nag-emerge siyang no. 2 dun at maalangan na siyang balikan ang programa ko.

But, Michael, I’m still waiting for you.

Alden walang pahinga ang kabayaran sa tinatamasang kasikatan

Kawawang Alden Richards, hindi na pala siya halos nakakauwi ng bahay! Sa sasakyan na lamang niya ito natutulog. But then, ito namang kasikatang tinatamasa niya ay pinagpaguran niya ng maraming taon.

Maliit lamang na kabayaran ang ka­walan ng tulog sa presyo na kailangan niyang ibayad for his success.

Show comments