Magkatotoo kaya? Pia kasama sa hinulaang mananalo sa Miss U

Pia

MANILA, Philippines – Ngayong umaga na magkakaalaman kung masusungkit ni Pia Wurtz­bach ang mailap na korona ng Miss Universe.

Pinupuri si Pia sa preliminary competition – sa evening gown, swimsuit and national costume - kaya inaasahang malakas ang laban niya.

Maaalalang sa evening gown competition ay sinaklolohan si Pia ng Pinoy designer na si Oliver Tolentino matapos umanong hindi mag-fit ang gown nito na binili off-the-rack. Kaya naman nag-panicked call na umano ang grupo ni Pia sa Pinoy designer at agad-agad naman daw itong pinadalhan ng 9 na gown na puwedeng pagpilian. Eh kabubukas lang pala ng boutique ng sikat na Pinoy designer sa Beverly Hills kaya madali itong nakakuha ng mga puwedeng pagpilian ng kandidata ng ‘Pinas.

Nag-fit naman ng maganda kay Pia at lahat ay nagandahan at bumagay talaga sa kanya.

Kasama rin si Pia sa top 10 candidates na sinasabing malamang makapag-uwi ng korona ng mga beauty pageant expert kaya mas malaki tiyak ang pressure sa a­ting kandidata.

Mapapanood ng live sa ABS-CBN ang coronation night ng Miss Universe mula sa Las Vegas.

Third eye ni Janella bentang-benta sa midnight screening ng Haunted Mansion

Bumenta ang strategy ng Regal Films na hatinggabi ipa-preview ang kanilang official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) na Haunted Mansion last Friday night. Tilian ang mga nanood sa mga kagulat-gulat na eksena ng multong pumapatay na ginampanan ni Iza Calzado. Bukod kasi sa sobrang ginaw sa loob ng sinehan, hatinggabi pa eh sobrang malakas ang takot factor sa mga eksena ng pelikula.

Si Janella Salvador ang bida sa Haunted Mansion. May third eye ang character niya kaya siya ang paboritong pakitaan ng multo pero may kakaibang mangyayari nang makipag-usap siya minsan sa kaluluwa na dapat n’yong panoorin.

At makikita sa mga eksena na talagang dusa ang inabot ni Janella. Inihagis-hagis siya at nakipagbuno sa multo. Maging sina Marlo Mortel and Je­rome Ponce ay bongga rin ang ginawa sa pelikula. Siyempre magkaribal sila kay Janella na parang sa totoong buhay yata ay ganun din ang role.

For a first timer, pasadong-pasado si Janella sa aktingan ha. Nakakaiyak at nakakadrama siya. Tama lang pala na binigyan siya ng big break ni Mother Lily at Roselle Monteverde sa pelikulang ito.

Dinirek ni Jun Lana ang Haunted Mansion. In fairness, pulido ang kabuuan ng horror film mula sa aspetong teknikal at sa acting ng mga mga bida.

Fast-paced din ang mga eksena at malinis ang cinematography.

Kaya naman si Mother Lily kahit pang-ilang beses nang napanood ang pelikula, todo-tili pa rin noong Biyernes ng gabi.

Magaling din sa Haunted Mansion sina Janice de Belen and Dominic Ochoa na teacher and priest respectively ang role.

Magbubukas sa mga sinehan ang Haunted Mansion sa December 25 from Regal Entertainment.                                              

Show comments