Parang si Pia, Christi Lynn McGarry na first runner up sa Miss Intercontinental, repeater din!

Wagi sa Miss Intercontinental 2015 si Christi Lynn McGarry ng Pilipinas dahil siya ang first runner up sa beauty contest na ginanap noong Biyernes nang gabi sa Magdeburg, Germany.

Si Christi Lynn ang runner up ni Miss Russia Valentina Rasulova na kinoronahan na Miss Intercontinental 2015.

Si Jonas Gaffud ang mentor at manager ni Christi Lynn. Tuwang-tuwa si Jonas sa tagumpay ng kanyang alaga na hindi niya nasamahan sa Germany dahil nasa Las Vegas siya para suportahan ang laban  ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015.

Repeater si Christi Lynn sa Miss Intercontinental dahil naging contestant siya ng nabanggit na beauty contest noong 2010.

Hindi man niya nakuha ang Miss Intercontinental title, inspirasyon si Christi Lynn kay Pia na repeater naman sa Bb. Pilipinas bago nakuha ang Bb. Pilipinas-Universe 2015 crown.

Not once but thrice na sumali si Pia sa Bb. Pilipinas at hindi siya nabigo sa kanyang third attempt dahil siya ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2015 na bukas pa mapapanood sa Pilipinas ang coronation night.

Hoping ang supporters ni Pia na magkakaroon siya ng puwesto sa Miss Universe pero mas gusto nila na masungkit ng matiyagang beauty queen ang elusive crown na huling napanalunan ni Margie Moran noong 1973.

Sen. Grace malayung-malayo sa ibang pulitiko

Hindi nagsisi ang mga showbiz reporter na sinagasa kahapon ang masungit na panahon para makapunta sa thanksgiving lunch ni Senator Grace Poe.

Walang umuwi na luhaan dahil nag-enjoy sila sa masasarap na pagkain at sa never ending na kuwentuhan.

Kakaiba ang thanksgiving lunch dahil wala ang host bilang may commitment sa probinsya si Mama Grace pero ipinaabot nito ang pasasalamat sa entertainment writers sa pamamagitan ni Dolor Guevarra.

Touched na touched ang entertainment press sa kind gesture ni Mama Grace na consistent sa pagi­ging thoughtful.

Malayung-malayo siya sa mga pulitiko na binibigyan lamang ng pagpapahalaga ang showbiz press kapag may kailangan sila, lalo na kung panahon na naman ng eleksyon.

‘Congratulations, Phobel at Eboy!’

Congratulations sa newly weds na sina Phobel Yraola at Eboy Valdez na ikinasal kahapon.

Empleyado ng GMA 7 si Phobel at nagtatrabaho naman sa APT Entertainment si Eboy na anak ni Edgardo “Boy” Vinarao, isa sa mga paboritong direktor ni Rudy Fernandez noong nabubuhay pa ito.

Kahit maulan kahapon, dumalo ako sa church wedding nina Phobel at Eboy dahil kabilang ako sa mga ninang.

Dingdong at Marian, meaningful ang 1st wedding anniversary

Hindi ako nagtagal sa thanksgi­ving lunch ni Mama Grace dahil nga sa kasal nina Phobel at Eboy.

Mabuti na lang, malapit lang ang Immaculate Conception Cathedral mula sa restaurant na pinagdausan ng thank you lunch ni Mama Grace kaya hindi ako nagdusa sa matinding trapik na sinabayan ng malakas na buhos ng ulan.

Halos isang taon na pala mula nang magpunta ako sa Immaculate Conception Cathderal dahil dito rin ginanap ang pag-iisang dibdib nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Kumpleto na ang pamilya nina Marian at Dingdong dahil sa pagdating ni Baby Maria Letizia kaya tiyak na magiging meaningful ang first wedding anniversary ng mag-asawa.

Show comments