MANILA, Philippines – Ang bawat isa sa atin, mapalalaki man o babae, ay karaniwang inaasahang magtatapos ng pag-aaral, mag-aasawa, at magbubuo ng isang pamilya…
Ngayong Sabado (December 19) sa Magpakailanman, sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at umiyak sa totoong kuwento ng isang babae na tumandang dalaga ngunit hindi natitinag ang puso sa paghihintay ng lalaking sa kanya ay itinadhana.
Itinatampok si Ms. Alice Dixson sa natatanging pagganap bilang Grace. Kasama sina Ms. Tessie Tomas, Samantha Lopez, Shelly Hipolito, Prince Villanueva, Jay Gonzaga, Sheila Marie Rodriguez at Ken Alfonso.
Bagama’t maganda at may magandang career, nanatiling “single” si Grace. Kung hindi naiinsecure ang lalaki dahil sa antas nila sa isa’t isa, nariyang iba’t iba ang naging rason para pag-ibig nila ay iniisantabi muna.
Hanggang sa lumagpas na sa kalendaryo ang kanyang edad. ‘Ika nga’y tumanda na siyang dalaga. Para sa kanya nabigo niya ang pangarap ng ina, ang makita siyang ikinakasal. Nasira na rin ang nag-iisa niyang pag-asa nang siya ay magkasakit ng Myoma na naging dahilan para hindi na siya magka-anak kung saka-sakaling siya ay makakapag-asawa pa.
Ito ba talaga ang kanyang tadhana o ang kanya bang puso ay mapapagod na sa kakahanap ng tamang lalaking inilaan para sa kanya?
Mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, huwag palampasin ang kwento tungkol sa pag-ibig at pag-asa ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.