Nakausap ng press people si Vic del Rosario sa Christmas Party ng TV5 at isa-isang sinagot ang tanong sa pagpasok niya sa network. Sa ngayon, hindi pa ang mag-number one ang objective nila, kundi ang magkaroon ng better entertainment programming ang network.
Kasama rin dito ang mabigyan ng trabaho ang talents ng TV5 at Viva na walang mga regular show. Magdidiskubre rin sila ng mga bagong talent via Born To Be A Star.
Positibo si Boss Vic na magagawa ang ipinagkatiwala sa kanyang trabaho ni Manny Pangilinan na ang payo sa kanya ay gawin niya ang nararapat.
Sa tanong kung dadalhin niya sina Sharon Cuneta at Sarah Geronimo sa TV5, ang sagot ni boss Vic, may kontrata sa ABS-CBN ang dalawa at hindi sila puwedeng lumabas sa TV5.
Ang kukunin lang nila para sa mga bagong show ng TV5 ay ‘yung walang exclusive contract sa ABS-CBN at GMA 7 na Viva talents.
By February 2016, airing na ng Panday ni Richard Gutierrez, ang una sa shows na si boss Vic at Viva ang nasa likod.
John Lloyd ngayon lang nakasali sa MMFF
Hindi malinaw na nasagot ni Dondon Monteverde, producer ng Honor Thy Father ang tanong namin kung ano ang ginagawa ni John Lloyd Cruz sa poster ng movie na nakatalikod. Sabi ni Dondon, naglalakad, pero ang tingin namin, umiihi ang aktor sa eksena.
Tumutugtog pala ang isa sa theme song ng Honor Thy Father habang hindi pa nagsisimula ang presscon ng pelikula noong isang araw. Ang ganda ng version ni Armi Millare sa Sampaguita original song at nabanggit ni direk Erik Matti na nahirapan silang kunin ang song ni Sampaguita. Inalam nito kung saang partikular na eksena gagamitin ang song at kailangang aprubado niya.
Ang isa pang song na ginamit sa movie ay ang Ama Namin na kinanta naman ni Dong Abay.
Nagulat ang press people dahil sa husay na aktor ni John Lloyd at box-office star, first Metro Manila Film Festival (MMFF) movie niya pala ito. Excited na itong sumama sa Parade of Stars at um-attend ng awards night.
Albert hindi nakatanggi sa balak na pag-aasawa ng anak
Ang nabanggit ni Albert Martinez na ready na siyang maging lolo ang naisip namin nang mabalitaang engaged na ang panganay nila ni Liezl Martinez na si Alyanna Martinez. At 54 years, old, handa nang magkaapo ang aktor na nakikipagsabayan pa rin sa ibang young actors ng ABS-CBN sa pagiging in demand na leading man.
Sabi ni Albert, nagpunta si Roy Macam (boyfriend ni Alyanna) sa bahay nila last Sunday at kahit wala pa itong sinasabi, may hint na siya kung para saan ang pakikipagsalo nito ng breakfast sa kanya.
“He showed me the engagement ring na ibibigay niya kay Alyanna, sabi niya, he’s ready now, hindi na nakatanggi si Alyanna at hindi na rin ako nakatanggi. As a father, you’ll never be ready ‘pag isa sa mga anak mo ang mag-aasawa. Mixed emotions ako, happy dahil nasa right age na si Alyanna at sad dahil mawawalan ako ng isang anak,” sabi ni Albert.
Kilalang photographer ang fiancé ni Alyanna na si Roy, pero ayon kay Albert, banker din ang future son-in-law niya, kaya alam niyang in right hand ang anak.
Hindi pa nabanggit ni Alyanna kung kailan ang kasal nila ni Roy at ang ipinakita lang sa Instagram (IG) ay ang daliri na suot niya ang engagement ring. Ang malungkot lang nito, sa araw ng kanyang kasal, hindi na nila makakasama ang inang si Liezl Martinez.
Seryeng pagtatambalan nina Bea at Derrick si Laurice Guillen pa ang direktor
The Abandoned ang title ng teleserye na pagtatambalan nina Bea Binene at Derrick Monasterio to be directed by Laurice Guillen. Sa nakita naming picture sa storycon, kasama rin sa cast sina Raymart Santiago, Angelika dela Cruz, Ramon Christopher, Marco Alcaraz, at Rita Avila.