Singing contest na nagpasikat kina Nora at Edgar Mortiz ibabalik sa ere
SEEN: Ang Wish I May ang afternoon teleserye na opening salvo ng GMA 7 sa January 2016. Ang teleserye nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang ipapalit sa The Half-Sisters.
SCENE: Ang kanyang apo na si Alfonso Martinez ang nag-aalaga kay Amalia Fuentes na nagkaroon ng stroke noong October 9, 2015.
SEEN: Ang lovechild na si Amanda ang tanging nagbubuklod kay Ara Mina at sa ex-boyfriend nito na si Bulacan Mayor Patrick Meneses. Magkasama sina Ara at Patrick sa 1st birthday celebration ni Amanda sa Green Meadows Clubhouse noong Huwebes.
SCENE: Pormal na ipinakilala noong Huwebes ang mga opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) sa kanilang Christmas party sa B Hotel, Scout Rallos, Quezon City.
SEEN: Pangulo ng SPEED si Isah Red, External Vice President – Jojo Panaligan, Internal Vice President – Eugene Asis, Secretary – Ian F. Fariñas, Asst. Secretary – Gie Trillana, Treasurer – Salve V. Asis, Asst. Treasurer – Maricris V. Nicasio, Auditor – Dindo Balares & Dinah Ventura, PRO – Dondon Sermino & Tessa Mauricio-Arriola, Advisers sina Ricky Lo at Nestor Cuartero, at kinabibilangan ng board members na sina Gerard Ramos, Ervin Santiago, Jerry Olea, Janice Navida, at Rhon Romulo.
SCENE: Ibabalik ng ABS-CBN sa 2016 ang Tawag ng Tanghalan, ang sikat na singing contest noong araw. Sina Nora Aunor at Edgar Mortiz ang dalawa sa mga sikat na produkto ng Tawag ng Tanghalan.
- Latest