Diether, Claudine, at Cesar bibida sa Bakit Manipis... ng TV5; Pastillas Girl lilipat na ng network

SEEN: Sina Diether Ocampo at Claudine Barretto ang lead stars ng television remake ng Bakit Manipis Ang Ulap ng TV5.

SCENE: Co-star nina Claudine Barretto at Diether Ocampo sa Bakit Manipis Ang Ulap si Cesar Montano. Supporting cast ang introduction kay Cesar sa announcement kahapon ng mga bagong programa ng Kapatid Network sa 2016.

SEEN: Spotted sa Christmas Party for the Entertainment Press si Angelica Yap aka Pastillas Girl kaya may haka-haka na lilipat siya sa TV5.

SCENE: Itinanggi ng mga dating karelasyon ni Maria Theresa Hernandez na may kinalaman sila sa pagpaslang sa ina ni Pastillas Girl. Parehong inimbitahan sa police station ang ex-boyfriends ni Hernandez.

SEEN: Pinatunayan ng entertainment writers na sumali sa Your Press Sounds Familiar na kayang-kaya nila na tapatan ang mga celebrity contestant ng Your Face Sounds Familiar. Ang Your Press Sounds Familiar ang contest sa Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment press.

SCENE: Ang complete cast ng My Bebe Love sa presscon kahapon sa Cebu City. Kasama sa presscon ang direktor na si Joey Reyes na hindi nakadalo sa grand presscon ng My Bebe Love sa Quezon City noong December 9.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Congressman Manny Pacquiao sa Sarangani ang kanyang 37th birthday. Special guests ni Pacquiao ang mga kapartido niya, sina Vice President Jojo Binay, Senator Gringo Honasan, at Alma Moreno.

SCENE: Ang mall show bukas, 5 p.m., ng Haunted Mansion cast sa Gaisano Fiesta Mall, Cebu City. Ang Haunted Mansion ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Show comments