Walang kamalay-malay bruskong personalidad na nagbabalita, iniputan ni misis!

Malamig ang Pasko ng isang bruskong personalidad ng telebisyon. Ilang buwan na kasi silang hiwalay ng kanyang misis. Dinala nito ang kanilang mga anak, sinusustentuhan na lang ng male personality ang mga bata, mukhang malabo na nga silang magkabalikan ng kanyang wife.

Tsismis lang ang pinag-ugatan ng kanilang paghihiwalay. Naniwala ang misis ng bruskong male personality na may babae ang kanyang mister. Hindi naman nito kilala ang nagte-text sa kanya pero todo ang paniniwala ng misis ng male personality sa mga natatanggap nitong impormasyon.

Kuwento ng aming source, “Natural, kung saan-saang lupalop ng mundo nagpupunta ang mister niya, ina-assign kasi work niya, kaya nai-insecure na siguro ang girl!

“Ayun, nu’ng may mag-text sa kanya na may girlfriend ang husband niya sa ganu’ng company, naniwala naman agad ang girl. Nagkaroon sila ng confrontation, umuwi muna sa bahay ng mom niya ang lalaki, umiwas siya sa away nila ng girl.

“Aba, pagbalik niya kinabukasan, e, wala na ang mag-iina niya, iniwan na siya, umuwi ang girl sa bahay ng parents niya. Puro masasakit na text messages na lang ang tinanggap ng bruskong personality mula sa wife niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Mapagbiro talaga ang kapala­ran. Kung sino pa ang nagbabalita ng mga kaganapan sa ating kapaligiran ay ‘yun pa pala ang dapat ding ibalita.

Mag-isang naninirahan ngayon ang matapang na male personality sa kanilang bahay, pinanindigan ng kanyang misis ang pakikitira sa bahay ng mga magulang nito, nagkikita lang ang mag-aama sa labas na driver lang ang kasama at wala ang ina ng mga bagets.

Huling impormasyon ng aming source, “Pero may kuwento rin tungkol sa girl, ha? Siya raw ang may iba at hindi naman ang bruskong personality. Nakakaloka ‘yun!”

Ubos!

Jinggoy at Bong pangalawang Pasko na sa Custodial Center

Ito na ang ikalawang Pasko sa PNP Custodial Center ng magkaibigang Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla. Nand’yan man ang kanilang mga pamilya at mga kaibigang hindi nakalilimot sa pagdalaw sa kanila ay walang maikukumpara sa buhay na malaya.

Masasaya sila kapag nand’yan ang mga taong nakakakuwentuhan nila, pero pagdalaw lang ‘yun, limitado ang panahon. Kapag nag-alisan na ang lahat ay balik na naman sila sa kani-kanyang kuwarto kapiling ang kalungkutan.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang dalawang senador at ang kanilang mga tagasuporta na mabibigyan ng pagkakataon ng hukuman ang isang parehas na laban tungkol sa mga akusasyong ibinabato sa kanila.

Tutal naman ay wala nang banta ng kanilang pagkandidato, hindi sila tatakbo, ano pa ba ang ikinatatakot ng mga puwersang nagpatahimik sa kanila?

Tulad ng ibang mga inaakusahan (na wala pang solidong abidensiya) ay mabigyan din sana ng kalayaang makapamuhay at makapagtrabaho sa labas ang dalawang senador.

Napakaraming personalidad sa kanilang mundo na mas malaki ang dapat panagutan sa batas pero hindi naaakusahan at nakukulong dahil meron silang kinakapitang padrino.

Harinawang maging parehas ang pagpapairal ng batas sa magkaibigang senador, makapagpiyansa sana sila kung ayaw man silang tuluyang palayain, hindi biro ang magdadalawang taon na nilang pananatili sa mainit at masikip na PNP Custodial Center.

Show comments