MANILA, Philippines – Wala pang balak mag-asawa ni Anne Curtis. Ito ay sa kabila ng limang taon na relasyon nila ng boyfriend na si Erwan Heussaff. Balak niyang i-enjoy muna ang maganda niyang career na nagdadala sa kanya madalas sa bansang Hapon bilang kinatawan ng Dept. of Tourism. Hindi lamang ang bansang Hapon ang natutulungan niya na mai-promote rito kundi ang ating bansa.
Looking forward siya sa 2016 dahil pinayagan na siyang gumawa ng album na tatawaging Forever Young. Ito ang nagbibigay sa kanya ng excitement ngayon at ang pangyayaring smooth sailing ang lovelife niya.
Kesa teleserye, mas gusto niya ang gumawa ng pelikula, pero matatanggihan ba niya kung bigyan siya nito ng Kapamilya Network?
Kim kalebel sina Silento, Exo, at Pentatonix
May dahilan para magbunyi si Kim Chiu. Kasama ang Mr. Right niya sa YouTube top list for 2015 alongside Silento’s Watch Me, Vice Ganda’s ‘Wag Kang Pabebe, Liza Soberano’s Feeling Carefree, Darren Espanto’s In Love Ako Sa ‘Yo, Donnalyn Bartolome’s Happy Break Up, Smuglaz’s Nakaka-miss, Exo’s Call Me Baby, ang Cheerleader ng Pentatonix, at Wish I May ni Alden Richards.
May video ang Mr. Right na nabigyan ng nominasyon sa 7th PMPC Star Awards for Music at bahagi ng album niyang Chinita Princess na ginamit sa TV movie nila ni Xian Lim na Must Date the Playboy at nabigyan ng magkasunod na gold at platinum awards. Kaya marahil maganda ang aura ngayon ni Kim at mabilis magpatawad sa mga nagkasala sa kanya.
Kahit magsawa sa kaiiyak, Coco lutang pa rin sa komedi
Tama ang sabi ni direk Wenn Deramas na walang lumang komedi ang Beauty and the Bestie niya para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 na pagtatambalan nina Vice Ganda at Coco Martin. Walang nakakapanood ng trailer ng movie ang hindi napapahagalpak sa mga kakwelahan hindi lamang ni Vice kundi maging ni Coco rin.
Aakalain mo na isa siyang napaka-seryosong tao na hindi babagayan at magmumukhang korni at trying hard kapag nagpatawa, pero hindi pala. He looks funny sa mga ipinagawa sa kanya ni direk Wenn Deramas at nagpakita ng kanyang versatility as an actor.
Kapag nagsawa na ito sa pagda-drama niya, kikita pa siya sa pamamagitan ng paglabas sa comedy lalo’t kasama niya si Vice.
Remember his ad for the black box?
Aljur siyam na taon nang nagpapasaya ng mga bata at matatanda
Hindi napapatid ang tradisyon ng pagtulong sa mga bata at matatanda na sinimulan ni Aljur Abrenica siyam na taon na ang nakararaan. Sila ang isinasali niya sa mga binibigyan ng pagkalinga lalo na sa pagsapit ng Pasko.
“Napakalungkot ng walang nag-aalala sa’yo o nagmamahal sa Kapaskuhan kaya ako, na sa aking maliit na kakayahan, ang gagawa nito. It’s nothing grandeur, isa lamang pakikipag-bonding sa kanila to make them feel wanted and loved. Hindi ako mag-isa lang, kasama ko ang buong pamilya ko. Nagsisilbing bonding na rin namin ito ng family ko,” pagmamalaki ng aktor.