Sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, at Cesar Montano ang second and final choice for their respective Metro Manila Film Festival (MMFF) entries.
Unang lumutang ang pangalan ni Dingdong Dantes para gumanap sa pelikulang Honor Thy Father na idinirek ni Erik Matti under Reality Entertainment nila ni Dondon Monteverde. Si JM de Guzman naman ang original choice para sa pelikulang Walang Forever ng Quantum Films na pinamahalaan ni Dan Villegas at alam naman ng lahat na si Robin Padilla ang unang choice para sa pelikulang Nilalang na pagtatambalan sana nila ng Japanese adult actress na si Maria Ozawa.
Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, hindi talaga maiwasan na magkaroon ng palitan ng cast pero ang mahalaga ay good choices if not better ang mga kapalit.
Maria Ozawa gustong maging kapatid si Angelica Panganiban
Mararanasan ng Japanese actress na si Maria Ozawa ang Christmas sa Pilipinas dahil dito siya magpapalipas ng Pasko na wala sa kanyang bansang Japan.
Kasama si Maria ng kanyang leading man na si Cesar na sasakay sa float ng Nilalang, sa parada ng mga artista on December 23. Tutulong din umano si Maria sa paglilibot sa mga sinehan simula sa December 25.
Samantala, natutuwa si Maria Ozawa na nakilala na rin niya finally ang kanyang kamukha na si Angelica Panganiban nang siya’y mag-guest sa Banana Sundae to promote her movie. Tuwang-tuwa siya nang makita si Angelica in person at umaasa siya na sana’y magkatrabaho sila sa pelikula o sa telebisyon pero dapat magkapatid daw ang kanilang gampanan dahil magkamukha nga sila.
Speaking of Christmas, gusto ni Cesar na makapiling ang kanyang mga anak sa ex-wife na si Sunshine Cruz, sa darating na Pasko.
Haunted Mansion mas bongga pa raw ang production kaysa sa Shake...
Aware ang tatlong bida ng MMFF horror movie na Haunted Mansion na sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce na pawang malalaking movie at artista ang kanilang mga kapanabayan sa filmfest pero naniniwala sila na may laban ang kanilang pelikula dahil napakaganda umano ng pagkaka-direct ni Jun Lana at hindi tinipid ng Regal Films ang special effects ng pelikula.
“Haunted Mansion is even better than Shake, Rattle & Roll kung production ang pag-uusapan,” pahayag ng Regal Films’ princess na si Roselle Monteverde.
“I hope they watch the movie because of the production value nito,” dagdag pa ni Roselle na siyang ginu-groom ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde to be her successor sa pagpu-produce ng mga pelikula ng kumpanya.
Ryan mamimigay ng datung sa mga pasahero ng Cash Cab
Kakaiba ang game show na ihu-host ng mister ni Judy Ann Santos-Agoncillo na si Ryan Agoncillo sa kanyang pinakabagong quiz game show, ang game franchise ng Cash Cab Philippines kung saan si Ryan ang tatayong cabbie at host ng kanyang magiging pasehero. Magtatanong si Ryan ng ilang questions sa kanyang mga pasahero at sa bawat tamang sagot ay may katumbas na cash prize.
Ang pilot episode ng Cash Cab Philippines ay mapapanood sa AXN on December 22 sa ganap na ika-8:50 ng gabi.
Bukod sa Cash Cab Philippines, si Ryan ay araw-araw na napapanood sa long-running noontime show na Eat Bulaga from Monday thru Saturday at weekly naman sa kanyang sitcom na Ismol Family na pinagtatambalan nila ni Carla Abellana.
Ryan and wife Judy Ann are expecting anyday soon their newest addition to their growing-up family, a baby girl na bibigyan nila na ng palayaw na Luna.