UKG at UH, nagkokopyahan lang ng episode! Pia ginagawa ang lahat para manalo

Pia

SEEN: Mistulang mga estudyante na nagkopyahan sa test ang Unang Hirit at Umagang Kay Ganda sa kanilang episode kahapon dahil parehong tungkol sa mga masasarap na ham ang featured stories nila.

SCENE: Si Alden Richards na naligwak sa auditions ng Starstruck V at hindi ang winners na sina Sarah Lahbati at Steven Silva ang special guest sa announcement ng Ultimate Survivors ng Starstruck VI sa December 19.

SEEN: Ang mensahe ni ex-DILG Secretery Mar Roxas kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa kanilang  talakan  na sinubaybayan sa mga television news program : Iwan na natin siguro ang usapin tungkol sa pamamaril, sa sampalan, sa karahasan. Malinaw, hindi ko uurungan si Mayor Duterte sa kahit anong hamunan. Malinaw na hindi ako takot sa kanya at haharapin ko siya.

SCENE: Ang sagot ni Miss Universe Philippines Pia Wurtzbach sa Question and Answer ng Miss Universe Facebook page tungkol sa pagiging stand out niya sa nilahukan na beauty pageant:

Definitely my determination. My fellow countrymen have witnessed my journey towards Miss Universe. The fact that I joined Miss Philippines 3 years in a row determines how much I really want this. I didn’t let anyone or anything stop me from getting here. I’m so glad I never lost my drive because turns out, I was right! Now I’m finally wearing the Philippine sash in the most prestigious pageant in the world. And I couldn’t be happier! So kids, if you have a dream, don’t give up!

SEEN:  Hindi busy si Katrina Halili dahil may time siya na sagutin ang lahat ng tweets tungkol sa Destiny Rose

SCENE: Ang Quezon City Memorial Circle ang venue ng New Year Countdown ng TV5. Live na mapapanood sa Kapatid Network ang grand fireworks display at ang countdown na dadaluhan ng mga artista ng TV5

SEEN: Noong Martes lamang natapos ang shooting ng All You Need Is Pag-Ibig, ang entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Show comments