Waging favorite solo artist of 2015, James tinalo ang Korean superstar na si PSY sa SBS Pop Asia

MANILA, Philippines – Uy tinaob pala ni James Reid ang Korean superstar na si PSY at iba pang Asian artists sa pagkapanalo niya bilang Best Solo Star sa Australia’s 24/7 Asian Pop radio station na SBS PopAsia.

Maging si Nadine Lustre ay wagi sa Battle of the 2015 Titans para sa kantang Me and You sa SBS PopAsia pa rin. “Congrats to the beautiful ?#NadineLustre who won ?#hashtaghits ?#titaniums 2nite,” ayon pa rin sa Twitter account ng SBS.

Sa Twitter account ng SBS din lumabas ang result ng pagkapanalo ni James na nakakuha ng 25% sa kabuuang boto sa social media accounts ng SBS – Facebook and Twitter na ang tanong ay Who is favorite solo artist of 2015?

Kaya naman super trending kahapon sa Twitter ang panalo nila particular na ang panalo ni Nadine.

Anyway, kahapon din ay nakita ko sa social media na nakapila na ang fans ng JaDine para bumili ng tickets sa kanilang concert for February 2016 pa ha sa Araneta. Ang balita pa, sold out na raw ang Patron tickets.

Wow ang bongga ng magka-loveteam ng seryeng On the Wings of Love ng ABS-CBN.

Abala rin ang dalawa sa promo ng Beauty and the Bestie with Vice Ganda and Coco Martin at sa kanilang Taste Forever Love, na thanksgiving concert ng Jollibee na gaganapin sa Kia Theater bukas ng gabi, December 17, 7:00 p.m.

Susan Roces, suportado at tumutulong kay Grace sa paghahanap ng tunay na magulang

All out pala ang suporta ni Tita Susan Roces sa paghahanap ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe sa tunay na mga magulang.

Natanong daw kasi si Grace tungkol rito sa paggunita sa ika­labing-isang anibersaryo ng pagpanaw ni  Da King Fernando Poe, Jr. noong Lunes (Dec. 14) sa Manila North Cemetery.

“Alam n’yo naman ‘yung mom ko, cool lang iyan. Wala naman at hindi naman makakasama, ‘di ba, kung magpa-DNA test tayo?” sabi ni Grace sa gitna ng paglutang ng diumano’y kanyang mga kamag-anak sa Guimaras.

Dagdag ni Grace, anuman daw ang mangyari, nagpapasa­lamat siya na may nagturing sa kanya na higit pa sa tunay na anak sa katauhan ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Tita Swanie.

“Kung hindi, patuloy pa rin tayong maghanap. Dati pa naman nating ginagawa ‘yun. Mabuti nga ngayon may siyensya na para tumulong. Gayunpaman, kung hindi naman ‘yun magiging matagumpay, ako naman po ay kumpiyansa na rin sa pagmahahal ng aking ina,” ani ni Grace.

Paglilinaw ni Grace, matagal na niyang hinahanap ang kanyang mga tunay na magulang bago pa kwestyunin ang kanyang pagka-Pilipino ng dahil siya umano’y isang “pulot” lamang.

Apat o limang beses na bang nagpa-DNA si Grace pero ang dalawang nauna ay hindi umano nag-match.

Pero grabe naman kasi ang development ng kuwento sa pagiging pulot ni Sen. Grace. Samantalang sa hitsura pa lang, Pinoy na Pinoy naman siya.

Dati noon bawal pag-usapan pag-ampon at lihim na lihim, ngayong ibang-iba na talaga.

Anyway, obvious talaga na buhay na buhay pa sa alaala ng karamihan si FPJ nang gunitain ang death anniversary niya last Monday. Buong araw itong nag-trending gamit ang hashtag na  #LongLiveFPJ na may kasama pa niyang pictures.

Ayon sa monitoring mechanism ng Twitter, tinatayang 27,117,846 users ng nasabing social media platform ang inabot ng hashtag na #LongLiveFPJ noong Lunes.

Sinundan pa ito ng hashtag naman na #FPJAPCaroling ng mga manonood ng toprating teleserye na Ang Probinsyano na hango sa 1997 movie ni Da King.                                             

Show comments