Vice Ganda sa 2015 MMFF: Kampante ako, record ko rin naman ang kalaban ko
MANILA, Philippines – Aminado si Vice Ganda na may pressure ang nalalapit na 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ilan sa malaking makakalaban ni Vice ay ang "My Bebe Love: #KiligPaMore" nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas at ang “All You Need is Pag-Ibig” ng kaniyang close friend Kris Aquino.
“Lagi naman may pressure, dapat ay pressure, kailangan i-entertain mo ang threat,” wika ng tv host at comedian.
“You have to handle threat positively. Dapat 'yong threat na 'yon maging reason para galingan mo, paghusayan mo lalo, para panindigan mo ang dapat mo panindigan. Hindi 'yon dapat maging dahilan para matakot ka, lamunin ka ng nerbyos lamang.”
Sa kabila nito ay kampante si Vice sa magiging pagtanggap ng publiko sa kaniyang pelikula lalo na sa kikitain nito.
“Kampante po ako. Kasi record ko rin naman ang kalaban ko,” banggit ni Vice.
Ang kaniyang 2014 MMFF entry na “The Amazing Praybeyt Benjamin” ang highest grossing film sa kasaysayan ng bansa na kumita ng P456 milyon sa loob lamang ng 22 araw.
“Tsaka unang-una I really claim it na bobongga ito, malaki ang kikitain nito, na nagkakatotoo naman,” paliwanag niya.
“Kasi magkakkilalang-magkakilala kami ni Lord. Hindi iya ako pine-fail, hindi niya ako pinapahiya. Sobra ang trust ko sa kanya kaya sobra kong kampante.”
Makakasama ni Vice ngayong taon sa “Beauty and the Bestie” sina Coco Martin, James Reid, Nadine Lustre, Marco Masa, Alonzo Muhlach, MC Calaquian at Lassy.
- Latest