Pokwang atat sa alok na kasal ng BF

Ano ba naman itong si Pokwang, kinailangan pang sa kanya manggaling ang mala-engagement ring na suot niya dahil ‘di pa raw kasi siya nakakatanggap ng proposal sa boyfriend niyang si Lee O ‘Brien.

Ganun na ba kasidhi ang pagnanais niyang makapag-asawa? Eh, siguro sa halip na umasa siya ay siya na ang magpasimuno. Kung mahal siya ng lalaki, baka agad na mapa­payag niya ito. Sige na Poke, subukan mo lang.

Carla may karapatan mamili ng susuportahan

Bakit nga naman kailangang ma-bash ni Carla Abellana kung may sinuportahan siyang presidentiable? Desisyon niya ‘yun, pinili niya ‘yun, ano ang karapatan ng sinuman na pakialaman siya? At kung ang pag-iendorso niya ng kandidato ay na­ging isang malaking pinagkakakitaan, ano rin ang masama run?

Hindi ko rin alam ang regulasyon o batas na sinusunod ng ilan nating artista na walang Filipino citizenship o may dual citizenship. Ang alam ko lang, hindi sila maaring bumoto pero puwede silang gumawa ng jingle at kantahin ito para sa mga kandidato.

Puwede ito, hindi ba? Ikorek n’yo nga ako. 

Politics is more fun in the philippines!

Ano naman ang mapapala ng mga suporter ni Sen. Grace Poe kung bablangkuhin nila ang mga balota para sa pagka-pangulo?  Ang tanging magagawa nila ay iasa na lamang sa tadhana ang kapalaran ng anak nina Da King Fernando Poe, Jr. at Susan Roces. Tama ang sinabi ng senadora, kung VP ang tinakbuhan niya walang disqualification siyang matatanggap. Politics is more fun in the Philippines!

 

Show comments