Girl/boy singer na marami na ang bakanteng oras, naayos na ang pamilya na matagal nag-away sa pera
Ugat nga ng pagkakagalit ang pera. Mababaw na dahilan pero madalas na nangyayari lalo na sa buhay ng mga kilalang personalidad.
? Nu’ng kasagsagan ng popularidad ng isang female singer ay naging dahilan ‘yun ng pagkakawatak-watak ng kanyang pamilya. Nag-aaway ang mga ito dahil sa kanyang pera.
?Malakas kasing kumita nu’n ang female singer, marami siyang concert sa iba-ibang bansa, bukod pa ‘yun sa matatagumpay niyang shows dito sa atin. Dahil du’n ay nagkaroon ng inggitan sa loob mismo ng kanilang pamilya.
?Nag-away ang kanyang lola at ina, napakaraming inilabas na rebelasyon ng lola ng female singer, nagkapersonalan ito at ang mismong mommy ng female performer.
? Napakatagal nilang nagkasamaan ng loob, ang female singer ang batong naipit sa gitna ng dalawang nag-uumpugang puwersa, hindi niya malaman kung paano niya pagkakasunduin ang kanyang ina at lola.
?Fast forward na tayo. Wala nang masyadong raket ngayon ang female singer, hindi tulad nu’n na ginagawa lang niyang Quiapo ang Amerika sa dami ng kanyang shows, mas marami na siyang bakanteng oras ngayon para sa kanyang sarili.
?Hindi pa laos ang female singer, medyo madalang lang ang kanyang trabaho ngayon, du’n ay nagkaayos ang kanyang mga mahal sa buhay, nagkasundo na ang kanyang lola at ina, maganda na ang samahan ng kanilang pamilya ngayon.
?Kuwento ng aming source, “Ibang klase talaga ang pera. Pinaghihiwa-hiwalay nu’n kahit ang magkakadugo, nagkakaroon ng inggitan, ng pagdududa at pagdadamutan.
?“Ngayong hindi na masyadong malaki ang kinikita ng girl, este ng boy na pala, e, wala na silang dahilan para mag-away-away pa,” pagtatapos ng aming source.
?Ubos!
Ate Vi ayaw magpabaya sa kampanya!
Walang malaki at maliit na laban para kay Governor Vilma Santos. Lahat ng pakikipagtunggali para sa Star For All Seasons ay makabuluhan, dapat binibigyan ng panahon, kailangang pinaghahandaan.
?Ilang buwan pa mula ngayon ay magpapaalam na siya bilang ina ng probinsiya ng Batangas. Tinotoo ng aktres-pulitiko ang kanyang sinabi nu’n na gusto niyang tapusin ang kanyang termino bilang gobernador ng mahal niyang lugar.
? Ilang partido na ang lumalapit sa kanya nu’n para tumakbong bise presidente pero isa lang ang palagi niyang isinasagot—alam niya ang kanyang kapasidad at lalong alam niya kung hanggang saan lang muna siya.
Laban sa pagka-kongresista ng Lipa City ang pagkakaabalahan niya sa susunod na taon. Maraming nagsasabi na walk in the park na lang daw ang susuungin niyang laban, siguradong maaangkin na niya ang posisyon, pero hindi ganu’n ang pananaw ni Governor Vilma.
? Kahit pa napatunayan na niya ang kanyang pagseserbisyo nang makumpleto niya ang tatlong termino bilang mayor ng Lipa City ay matutok pa rin si Governor Vilma sa susunod niyang laban.
?Walang malaki at maliit na pakikipagtunggali, lahat ay pinaghahandaan, alam niya ang bituka ng mundo ng pulitika. Ang tanging puhunan lang ng aktres-pulitiko ay ang mga taong ipinagserbisyo niya sa lalawigan ng Batangas at sa mismong siyudad ng Lipa.
?Isang pagseserbisyong walang bahid ng anomalya, isang pangalang walang kadagta-dagta ng corruption, napakalinis ng kanyang pangalan sa mundong minahal na niya.
- Latest