MANILA, Philippines - Hindi pa rin sumusuko si AiAi delas Alas sa pagtulong sa actor na si Jiro Manio na hanggang ngayon ay nasa facility pa at nagpapagaling.
Umaasa ang comedy queen na pagkatapos ng kanyang treatment ay magiging normal na uli ang buhay ni Jiro.
Early next year ay naka-schedule nang lumabas ang actor ng facility kaya naman hinahanapan na rin ni AiAi ng titirhang condo ang itinuturing na niyang anak-anakan.
Maayos na raw ito nang huling makausap niya at nakikita naman niya ang malaking improvement pagdating sa attitude at pangangatawan nito. “Mataba na. Pinadalhan nga namin ng damit para sa Christmas party nila, hindi na kasya. Kasi medium lang ang binili,” banggit ni Ai.
“Ipinagdarasal ko na hindi na siya bumalik sa dati. Kasi kailangan na rin niyang magtrabaho at tulungan ang kanyang sarili,” sabi pa ng comedy queen nang makatsika namin the other night.
At hindi pala mura ang magpa-confine sa rehab center. Hindi puwede sa masa ang halaga. Pero ayaw na niyang ipasulat kung magkano. “’Wag na. Ako ang may gusto nun. Bukal sa loob ko ang pagtulong sa kanya, hindi na kailangang pag-usapan ang gastos,” katuwiran niya.
Maging ang titirhang condo ni Jiro paglabas na siya ang sasagot ay ayaw na niyang ipabanggit.
Makakasama umano nito ang kanyang lolo na magsisilbing bantay ng actor.
Anyway, isa lang ang nasabing actor sa maraming binabahaginan ng comedy queen ng kanyang blessings.
Samantala, tapos na tapos na ang pelikulang My Bebe Love na pinagbibidahan nila ni Bossing Vic Sotto with Alden Richards and Maine Mendoza for Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.
Kakaiba raw ang tawa nila sa mga eksena sa pelikula nila.
Kasama ni AiAi the other night nang magpa-Christmas dinner siya para sa mga kaibigan sa press ang anak na si Sancho Vito na isa sa may-ari ng Skinita Street Foodz sa may Pasig.
Malakas ang restaurant ng grupo ni Sancho kasama ang iba pang partners kaya naman pinu-push ni AiAi na mag-franchise na sila para magkaroon din siya ng sariling branch sa may Quezon City.
Kahit laging luhaan every week Denise grand winner ng Your Face Sounds Familiar season 2
Wagi bilang grand winner ng pangalawang season ng Your Face Sounds Familiar ang aktres na si Denise Laurel matapos niyang talunin ang kanyang co-finalists at makakuha ng pinakamataas na porsiyento ng text votes mula sa publiko sa final showdown ng programa noong Linggo ng gabi (Dec. 13).
Nakuha ni Denise ang 27.51% ng mga boto matapos pabilibin ang mga manonood sa kanyang impersonation sa pop diva na si Beyoncé sa kanyang huling performance kung saan niya kinanta ang Love on Top at Crazy in Love.
Nag-uwi si Denise ng grand prize na P2 milyon, na ang kalahati ay mapupunta sa kanyang napiling charity, ang Caritas Manila.
Natalo ni Denise ang co-finalists niyang sina Kean Cipriano, KZ Tandingan, Sam Concepcion, at Michael Pangilinan kahit na hindi siya nagwagi sa weekly competitions ng programa.
“I never won, and every week umiiyak ang anak ko kasi hindi ako nanalo. But I wanted to show him hard work and perseverance, at na kahit ano’ng mangyari, try and try until you die,” she said.
Samantala, pumangalawa naman sa ranking si Michael para sa kanyang impersonation kay Adam Levine. Itinanghal naman third placer si Sam, na ginaya si Justin Bieber para sa grand showdown.
Samantala, nakuha naman nina KZ at Kean ang ikaapat at ikalimang puwesto para sa kanilang impersonation kina Lady Gaga at Ricky Martin.
Hindi naman umuwing luhaan ang apat na placers dahil nagwagi rin sila ng P200,000, na ang kalahati ay mapupunta sa kanilang napiling charity.
Nagpakitang gilas din sa huling pagkakataon ang ibang celebrity performers ng season na sina Kakai Bautista, Eric Nicolas, at Myrtle Sarrosa bilang ang music trio na Bee Gees.
Samantala, binuksan ng jurors na sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta ang Sunday show sa kanilang performance ng iba’t ibang Christmas songs.
Ang The Grand Showdown ay pinangunahan nina Billy Crawford at Melai Cantiveros.
Cesar expected na ang pagli-link sa kanila ni Maria Ozawa
Expected na ni Cesar Montano na mali-link sila ni Maria Ozawa ngayong ipalalabas na ang pelikula nilang kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival na Nilalang.
Pero tinitingnan na lang ng actor ang positive effects ng pagli-link sa kanila at hoping siya na makakabuti ito sa pelikula. “Sana makatulong sa box-office gross,” dagdag ng actor sa special preview ng Nilalang last Sunday night.
Nabanggit kasi ni Maria na kilalang porno star na nag-enjoy siyang gawin ang pelikula na grabe ang mga eksenang nakakagulat dahil sa kuwento tungkol sa mga pagpatay at sa maraming eksena nila ng actor.
Dahil sasama sa Parade of Stars si Maria, dito na rin siya magpa-Pasko at magba-Bagong Taon.
“I’m going to spend Christmas and New Year here. I’m excited for that because this is my first time spending holidays out of Japan and it happens it’s in the Philippines,” sabi niya na lalong nagpalakas sa pagli-link sa kanila ng actor.
Anyway, madugo ang pelikulang Nilalang na tungkol sa mga sindikato na pumapatay kung saan namana ni Maria ang pamumuno habang forensic expert naman si Cesar.