Ginastusan ng malaki, Ara ngarag sa 1st birthday ng anak
Mag-iisang taon na sa Huwebes ang anak nina Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle Meneses. Punong-abala si Ara sa preparasyon para sa party ng anak na gaganapin sa Green Meadows Clubhouse. “Mas maganda na sa mismong December 17 ‘yung party ni Mandy para birthday niya talaga. Imagine, isang taon na ang baby ko. Ang bilis ng araw, nakakatuwa,” bungad ni Ara.
“Ako ‘yung nag-a-R.S.V.P. Tinatawagan ko sila para ma-confirm ko if they’re coming or not. Matrabaho kasi more than 100 ‘yung ini-expect kong bisita, wala do’n ‘yung adult guests ha. Marami akong inimbita kasi gusto ko talagang maging memorable ang first birthday ni Mandy. Siyempre ang iimbitahan mo ay ‘yung mom or ‘yung parents. Kasi sila ang magdadala sa anak nila hahaha! Wala pa namang alam ‘yung mga bata,” dagdag ng aktres.
Mas malaki raw ang ginastos ni Mayor Patrick para sa party ni Mandy kaya marami ang nagtatanong kung makararating ba ang pulitiko. “Of course naman, tatay siya ni Mandy. Nag-share rin naman ako. Mas malaki nga lang ‘yung sa kanya. Pero sa akin ‘yung ibang mga kulang,” giit ng aktres.
Kahit magkahiwalay ay maayos naman ang pakikitungo nina Ara at Patrick sa isa’t isa. “Friends naman kami ni Patrick. Okay na okay kami. Masaya naman kami pareho lalo na kapag kasama namin si Mandy,” pagbabahagi pa ni Ara.
Carla ayaw husgahan ang past nina Tom at Cai
Naging kontrobersyal ang pahayag ng character actress na si Cai Cortez kamakailan tungkol sa mga lalaking nagkaroon ng ugnayan sa kanya. Isa sa mga nabanggit ni Cai ay si Tom Rodriguez na sinasabing espesyal ngayon sa puso ni Carla Abellana.
Nagbigay ng reaksyon si Carla tungkol sa isyu. “Honestly I don’t know so much about it talaga. Kasi ako naman ‘pag may naririnig hindi naman ako ‘yung type na uuwi tapos iri-research ko eh. Lagi namang may nababalitang iba-iba rin ang tsismis, darating at darating. Pero with this particular one, ang napansin ko lang kasi is kumbaga out na ako do’n. I mean, that’s between the two of them. Hindi naman ako involved at saka it’s something that I have nothing to do with, past na ‘yun. Hindi na dapat inuungkat pa. Hindi ka naman involved do’n. Tapos na ‘yun, past is past. You don’t judge a person based on his past,” paliwanag ni Carla.
Kahit nagkaroon ng isyu ay nakikita pa rin naman daw ng dalaga kay Tom ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. “Definitely oo, kasi makikita mo naman ‘yung qualities as a person sa paraan niya sa pagtatrabaho. Kung paano siya off cam, how he deals with problems, ‘yung mga gano’n. So makikita mo naman ‘yun and mage-gauge mo more or less kung okay siya to have as a partner in life. Oo naman, nakikita ko ‘yun sa kanya,” giit ng aktres.
- Latest