Isa ang All You Need is Pag-Ibig sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. Pinagbibidahan ito nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Jodi Sta. Maria, Xian Lim, at Kim Chiu. Halos araw-araw na magkasama ngayon sina Xian at Kim dahil bukod sa nasabing proyekto ay ginagawa na rin daw ng dalawa ang kanilang bagong teleserye na mapapanood sa susunod na taon. “Ngayon halos everyday kaming magkasama. Tapos nakadalawang balik kami sa Palawan for our teleserye. Tapos sa Coron nag-one week kami do’n, six days sa Coron, Palawan. So siguro naman nakapag-bonding kami nang maayos,” natatawang pahayag ni Kim.
Masaya raw ang aktres sa kung anuman ang mayroon sila ni Xian ngayon. “Masaya naman si Xian. Nasisiyahan ako sa kanya. Si Xian, siguro all I need is Xian. Siyempre siya, itugma natin sa Mr. Right (music video), nakailang views na siya. Milyung-milyong views na siya sa YouTube dahil si Xian nandoon at free lang ‘yon. Wala siyang TF (talent fee) do’n sa video,” nakangiting pahayag ni Kim.
Samantala, nagbigay din ng payo ang dalaga sa mga tagahanga upang maging masaya ngayong Pasko. “Sabi nila Christmas is about forgiveness and love. Kung meron kang nakaaway the whole year, ito na ‘yung tamang panahon para magpatawad and mahalin ang tao na ‘yun. ‘Yun na ‘yung pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa kaaway mo. Basta walang kaaway masaya, mahal mo lahat ng tao, lahat ng taong sumusuporta sa ‘yo at nagmamahal sa ‘yo mahal mo din. So mas masaya,”pagbabahagi ng aktres.
Ryan atat nang makita si General Luna
May pangalan na ang ipanganganak ni Judy Ann Santos ngayong buwan ayon sa asawang si Ryan Agoncillo. “She’s going to be a girl. Her name is Juana Luisa. Her nickname is going to be Luna. Nag-pack na kami ng go bag. It’s anytime now but the real date given by the doctor is December. So ‘pag tsumamba, Happy New year or Merry Christmas. Lucho was a week in advance. But now we’re ready and any time is a go,” pagbabahagi ni Ryan.
Si Yohan ang panganay na anak ng mag-asawa at si Lucho naman ang pangawala. Hindi raw talaga naplano noon nina Ryan at Juday ang pagkakaroon ng pangatlong anak. “We started out not really thinking of how many kids to have. And then when we had two, all of a sudden my wife is like, ‘Hey! You know what, let’s go for another one.’ Aangal pa ba ako ‘di ba? So na-bless na kami ulit with a third child and we’ll see. They say the third child is a game changer because this is the time that the kids actually form their own world apart from their parents. So we’re preparing for that and we’re preparing for the arrival of General Luna. Mukhang itong babaeng bunso general ‘yan eh,” natatawang paliwanag ni Ryan.