Hindi ang tipo ni Carla Abellana ang nagpapaapekto sa mga basher dahil alam niya na may mga tao na hindi magiging pabor sa kanyang mga desisyon.
Si Carla ang newest bashing victim dahil sa pagdedeklara niya ng suporta sa kandidatura ni former DILG Secretary Mar Roxas.
Binabatikos si Carla sa kanyang mga social media account pero pinaiiral niya ang pagiging open-minded.
Tanggap ni Carla na puwedeng mabawasan siya ng followers o mga kaibigan dahil sa suporta niya kay Papa Mar.
Nag-explain si Carla sa presscon na ipinatawag ng ATC Healthcare para sa kanya dahil siya ang endorser ng Vita-E.
Ang sey ni Carla, pinag-isipan niya na mabuti ang kanyang pasya na suportahan ang presidential bid ni Papa Mar at tulad ng ibang tao, may kanya-kanya tayo na choice.
Ang international American photographer na si Nigel Barker ang photographer ni Carla para sa Vita-E.
Tuwang-tuwa si Carla dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho si Nigel na napapanood lamang niya noon sa TV.
Puring-puri ni Carla ang trabaho ni Nigel dahil wala itong peg o layout na ginaya. Click nang click lang ang camera ni Nigel at saka nito pinipili ang pinakamaganda na anggulo at litrato ni Carla.
Ibang-iba si Nigel sa mga Pinoy photographer na kailangan pa ng peg o mapagkokopyahan para maging perfect ang mga litrato nila.
Masuwerte si Carla dahil ginastusan ng ATC Healthcare ang kanyang pictorial para sa Vita-E dahil sure ako na mahal ang talent fee ni Nigel.
Mga mangmang, si Francis Tolentino pa rin ang sinisisi sa trapik sa Metro Manila
Dalawang episode ng CelebriTV ang binuno namin noong Huwebes.
Inabot nang gabi ang taping namin nina Joey de Leon at AiAi delas Alas pero sumaglit ako sa presscon ni former MMDA Chairman Francis Tolentino para ipakita ang suporta ko sa kanyang kandidatura.
In fairness, pinakinggan na mabuti ng entertainment press ang mga pahayag ni Papa Francis tungkol sa current situation ng Metro Manila.
Naikuwento ni Papa Francis na pinagtatawanan noon ang kanyang mga suggestion para ma-decongest ang Metro Manila pero sa bandang huli, napatunayan niya na tama siya.
Alam ni Papa Francis ang kanyang mga sinasabi dahil matagal siya na nanungkulan bilang MMDA Chairman bago nagpasya na mag-resign at magdeklara ng senatorial bid niya.
Nagugulat na si Papa Francis dahil siya pa rin ang sinisisi tungkol sa malala na traffic situation sa Metro Manila noong Miyerkoles. Hindi yata alam ng mga bobitong detractors na matagal nang bumaba sa puwesto si Papa Francis at nagsimula na itong mag-ikot sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
Francis umaming hinabul-habol si Hilda Koronel, Kris tinawanan lang
Ikinatuwa ko ang promise ni Papa Francis na kahit wala na siyang involvement sa Metro Manila Film Festival (MMFF), bibigyan pa rin niya ng season pass para sa MMFF ang mga dumalo sa presscon niya.
Kahit hindi na siya ang chairman ng MMFF, malaki pa rin ang concern ni Papa Francis sa local movie industry na naging malaking bahagi ng kanyang panunungkulan bilang MMDA Chairman.
Napangiti si Papa Francis nang i-share nito na hinabul-habol niya si Hilda Koronel nang mag-shooting ito sa Tagaytay City para sa isang pelikula.
Bagets na bagets pa noon si Papa Francis at gandang-ganda siya kay Hilda. Hindi nag-iisa si Papa Francis dahil crush na crush din noon ni Edu Manzano si Hilda na isa sa mga aktres na may pinakamagandang mukha sa local showbiz.
Natawa lang si Papa Francis nang ungkatin ng isang reporter ang pagkakaugnay ng kanyang pangalan kay Kris Aquino.