Forever nina Echo at Jen ginastusan ng P26-M

Pinost ni Jericho Rosales sa Instagram (IG) ang picture nila ni Jennylyn Mercado while recording the theme song of Walang Forever. Kasama nila sa recording ang vocal coach nilang si Myke Salomon.

Hindi lang kumpleto ang details ni Jericho dahil hindi sinabi kung ano ang title ng theme song o baka ito na ‘yung binanggit ni director Dan Villegas sa presscon na Bawat Daan na song na gawa ni Ebe Dancel.

Dark horse sa box-office ang Walang Forever na sabi ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso ay ginastusan ng P26-M. Kung hindi magbabago, wala ring premiere night ang movie at magkakaroon lang ng special screening.

Para hindi na pagbintangang nangunguha ng alaga ng kapitbahay Marlo pusa ang X-mas gift kay Janella

Natawa kami nang marinig ang sagot ni Marlo Mortel na pusa ang Christmas gift niya sa ka-love team sa Haunted Mansion na si Janella Salvador. Naalala namin ang blind item (BI) tungkol sa aktres at sa pusa ng kanilang kapitbahay na nawala. Tapos, nakita na lang daw ang pusa sa bahay nina Janella.

Laugh trip ang BI na ‘yun, nakalimutan naming tanungin si Janella kung naisoli na niya sa kapitbahay ang pusa. In fairness, hindi sinabi sa BI na ninakaw ni Janella ang pusa, lumabas siguro sa bahay ng may-ari ang pusa at napadako sa bahay nina Janella.

Dedma na nga si Janella sa isyu dahil mas focus sa promo ng Haunted Mansion na first movie niya at entry pa sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Napi-pressure siya dahil ito muna ang ipinalit ng Regal Films sa Shake, Rattle & Roll at wish ni Janella na mag-number one sila sa box-office.

Mag-inang Rafa at Bibeth ‘di nagpatalbog kay Sid

Ang husay ng mag-inang Bibeth Orteza at Rafa Siguion-Reyna sa indie film na Toto at hindi sila nagpahuli sa galing ni Sid Lucero. Role ng isang nagpapanggap na bading na dancer sa club ang role ni Rafa at naipakita ang husay nitong magsayaw. Nanay naman ni Sid si Bibeth na sa buong movie, Waray (salita sa Leyte at Samar) ang dialogue.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Toto sa direction ng bata at bagong director na si John Paul Su.

Show comments