Hinintay ng mga bigating kasama Maine cause of delay ng presscon

Scene: Epic fail ang mga pagpapa-cute, pagpapatawa, at horrible getup ni Glaiza de Castro sa Christmas party ng GMA 7 para sa press people.

Seen: Si Maine Mendoza ang cause of delay ng presscon ng My Bebe Love dahil sa kanyang hectic schedule. Matiyagang hinintay si Maine ng mga co-star niya, sina AiAi delas Alas, Vic Sotto, at Alden Richards.

Scene: Blow by Blow ang pamagat ng bagong television show ni Congressman Manny Pacquiao sa TV5. Mapapanood ang Blow by Blow sa first quarter ng 2016.

Seen: Ang te­levision remake ng Ang Panday na ipo-produce ng TV5 Entertainment at ng Viva Entertainment. Si Richard Gutierrez ang gaganap na Panday.

Scene: Naungkat ang kuwento ng masa­limuot na love affair noon nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan dahil sa pagbatikos ng kanilang anak na si Gab kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Seen: Ipinagbabawal ng Sunday PinaSaya staff ang mga fan sign at picture taking sa dressing room at studio ng Sunday show ng GMA 7. Nakapaskel sa Studio 7 ng GMA 7 ang notice ng mga pagbabawal. 

Scene: Duster inspired ang bestida ni Jessa Zaragoza nang maging hurado siya ng Ala Eh Festival sa Sto. Tomas, Batangas noong Lunes.

Show comments