Imbes na sila ang pakainin mga reporter inutangan ng nanay ng magandang aktres

Walang humpay na halakhakan ang maririnig sa paligid. Halakhakan nang halakhakan ang magkakaumpukan. Nagbabalik-tanaw kasi sila, inaalala ang mga kalokahan ng mga sikat na artista ng kanilang panahon, bumibida sa kuwentuhan ang isang magandang aktres na batambata pa ay nag-aartista na.

Wala silang sariling bahay, palipat-lipat sila ng tirahan, para silang bato na hindi kinakapitan ng lumot dahil sa palagi nilang paglilipat-bahay.

Tiyahin lang niya ang nag-aalaga sa aktres, may ibang pinagkakaabalahan ang kanyang ina, nakasanayan na ‘yun ng female personality kaya hindi na siya naghahanap sa mommy niya.

Nakakalokang kuwento ng isang miron sa umpukan, “Naalala n’yo ba nu’ng magpunta tayo sa bahay nila? Nakakaloka! Wala silang sofa, kaya sa sahig tayo nagsiupo! At wala rin silang dining table dahil nasanay na pala silang kumakain sa kani-kanyang bedroom nila.

“At walang laman ang kanilang ref kundi puro tubig lang! Buy lang sila nang buy ng mga luto nang food sa labas. Nakasanayan na nila ang ganu’n kaya hindi sila namamalengke.

“At ang nakakatawa pa, tanong nang tanong si actress kung kumain na tayo, ‘di ba? Oo naman tayo nang oo kahit Tom Jones na tayo talaga!

“Paano naman kasi natin sasabihin na hindi pa tayo kumakain, e, wala naman silang food na io-offer sa atin? ‘Di ba, ‘di ba?” halakhakan nang halakhakan na kuwento ng isang source sa grupo.

Heto na. Dumating ang ina ng magandang aktres, naka-taxi, kulang ang pambayad. Walang-wala ang aktres, lalong wala namang datung ang kanyang tiyahin, kaya ang hiniraman ng pambayad sa taxi ay ang mga reporters na nasa kanilang bahay.

Sabi uli ng miron, “Naalala n’yo? Umalis tayo sa kanila na tawanan nang tawanan, nakarating tayo sa gate na halakhakan lang tayo nang halakhakan!

“Haaaay!!!! Panglibro ‘yung karanasan nating ‘yun. Pagona Philippines! Hindi siya kalimut-limot!” humahalakhak pa ring pagpipista ng grupo sa kuwento.

Ubos!

Concert sa probinsya hindi raw tinao Daniel pinataob na talaga nina James at Alden

Kailangan na nga sigurong mag-double time ang kampo ni Daniel Padilla ngayon. May nakakuwentuhan kaming nanood ng concert niya sa isang probinsiyang malapit lang sa Maynila.

“Ni hindi niya napangalahati ang venue, konti lang ang nanood. Kumalat kasi sa place na kung ano ang ginagawa niya sa ibang show niya, e, wala namang nababago, ‘yun at ‘yun pa rin ang napapanood sa kanya.

“Saka humina na talaga si Daniel, meron nga kaming mga kaibigang show producers na hindi na itinuloy ang pakikipag-usap sa kanila. Talo kasi ang ibang kaibigan nila, malaking-malaki ang pagkalugi dahil napakalaki ng talent fee niya,” madiing kuwento ng aming kausap.

Si James Reid na ang in ngayon at out na si Daniel. Nakalalamang na raw sa KathNiel ang JaDine loveteam. Nakaapekto kaya sa popula­ridad nina Daniel at Kathryn Bernardo ang pag-eendorso nila kay Secretary Mar Roxas?

Pero kung pagiging in ang pag-uusapan ay walang tatalo kay Alden Richards. Sa unang araw pa lang ng paglalabas ng tickets sa gagawin nitong concert sa Winnipeg, Canada ay sold out agad.

Mula umaga hanggang alas-nuwebe nang gabi lang ang naging bentahan, marami pang gustong bumili pero sagad na, walang-wala na talagang maibigay ang mga producers.

Komento ng aming anak-anakang si Rey-Ar Reyes ng Pilipino Express News Magazine, “Sa tagal ko nang nandito sa Winnipeg, first time na nangyari ang ganito, kay Alden Richards lang.

“Sa unang araw ng paglalabas ng tickets, sold out agad! At take note, sa March pa ang show niya dito, grabe si Alden Richards!” namamanghang sabi ng aming anak-anakan.

Show comments