^

PSN Showbiz

Kaya tunganga ngayon, female personality wagas kung magwaldas ng pera noon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng kasagsagan ng kasikatan ng isang female personality ay wala siyang pakialam sa bukas, puro ngayon lang ang iniisip niya, ang palagi niyang katwiran ay bahala na si Batman.

Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz na sa iba-ibang pa­nahon ay nakasama nang matagal ng naturang female persona­lity ay nagsalimbayan ang mga kuwento ng kanyang kalokahan.

Kuwento ng isa, kapag lasing na kuno ang aktres ay dispalinghado na ang kanyang mga desisyon, nagagalit siya kapag may kumokontra kahit tama naman ito.

Kuwento ng aming source, “A­yan, malapit na ang Pasko, bagay na bagay ang kuwentong ito tungkol sa kanya. Magpapa-Christmas party siya, magpapabili ng mga pang-raffle, magpapa-withdraw din siya ng pampamigay niya sa party.

“Aliw na aliw siya, inom nang inom, hanggang sa malasing na siya nang husto. Kunwari, e, one thousand lang naman ang raffle prize, gagawin niyang five thousand ‘yun!

“Palaging ganu’n, hanggang sa maubos na ang perang pampremyo niya. Ubos na talaga, as in, ubos na ubos siya! Kapag wala na ang cash, itse-check niya na ang pangpremyo niya, parang nagpapalipad lang si ____(pangalan ng pinakasikat na female personality nu’ng kanyang kapanahunan) ng saranggola kung mamahagi ng mga tseke niya!

“Ang ending, siya ang wala nang datung! As in, nakanganga na ang wallet niya, walang-wala na siya pagkatapos niyang magpa-party!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Malaking problema ‘yun kinabukasan dahil kahit pambili lang ng tangke ng gas ay wala, naubos na sa kanyang pa-raffle, ganu’n kawalang pakialam ang babaeng personalidad.

Ilang dekada nang nakalipas ang kuwento ng pagiging generous ng female personality. Ibang-iba na ang sitwasyon ngayon dahil hindi na ganu’n sa dati ang kinikita niya ngayon.

May kahalong biro at eksaherasyong komento ng isang da­ting nakasama ng aktres, “Hindi na niya carry ang ganu’n ngayon, wala na siyang mailalabas, baka nga siya na ang dapat sumali sa pa-raffle!”

Ubos!

Concert ni Sarah kulang daw sa birit

May mga kausap kaming nanood ng concert ni Sarah Geronimo (From The Top) sa ikalawang gabi nito sa Araneta Coliseum. Walang dudang magaling si Sarah, magaling siyang mag-perform, kaya lang ay nainip-inantok ang maraming nanood sa kanya.

Sa simula ay okey raw naman sila, pero habang tumatagal ay bumibigat na ang kanilang mga mata, ang iba nga nilang kasama ay lumabas muna para maglakad-lakad dahil antok na antok na raw.

Ang isa sa mga dahilan na sinisi ng aming mga kausap ay ang repertoire ni Sarah na puro original songs. Walang cover, hindi siya kumanta ng mga piyesang pinasikat ng mga banyagang singers, hindi rin daw bumirit si Sarah na gustung-gusto ng mga tumatangkilik sa kanyang mga concert.

Sabi pa sa amin ng isang nanood, “E, kung si Regine Velasquez nga, bumibirit pa rin, pambenta rin ‘yun ni Lani Misalucha, ‘di ba? Pero si Sarah, walang ganu’n, tapos, puro original pa ang kinanta niya.

“Towards the middle of the show, e, inaantok na kami, parang gusto na naming matapos ang show, ang ibang mga kasama namin, e, naglakad-lakad muna sa lobby ng Big Dome para mawala ang kanilang antok,” sinserong kuwento ng aming mga kaibigan.

Siguradong nakaabot na sa grupo ni Sarah Geronimo ang ganitong kuwento, hindi ‘yun maililihim, kaya sa susunod ay alam na nila ang gagawin para mapanatiling masigla ang audience.

Dito pa naman sa atin, mas bumibirit ang kumakanta ay mas pinapalakpakan, kahit sigaw na lang nang sigaw ang singer sa sobrang taas ng tonong inuupakan ay panalo pa rin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

FROM THE TOP

KUWENTO

MGA

NBSP

NIYA

SARAH GERONIMO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with